^

Entertainment

‘13-13-13’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Yes! Today is January 13, 2013…

So? O eh ano ngayon tanong n’yo sa akin,

He, he, he…wala lang at medyo pa nga bitin,

But wait! Tatlong “13” din ‘yan kung tutuusin.

 

Yes nga naman, today is “13-13-13,”

Paano? Aba’t simpleng-simple lamang darling,

Kung handa ka na ‘yung mga months you start counting —

January 2012 mo simulang bilangin!

 

O hindi ba? Kaanak-anakan ng pating!

Kanya-kanya ‘yan…o ‘di ba ang galing-galing?

O bakit? Sabi ko naman, “kung tutuusin,”

Maganda naman ang nangyari nang gamutin!

 

Sa buhay, kung may lalabasan ay ilaban

Nang taos…tuusin…itaas…pagtiisan,

Lalo pa’t may malinaw ka namang katwiran,

Basta pupwede naman ay sige-sige lang!

 

At ganyan talaga sa buhay ang labanan

Lalo’t sa dulo naman may katatawanan,

Basta’t alam mong meron kang kapupulutan

Ng saya, sugod! Kaya nga “so good!” tunog n’yan.

 

Kahit ano pa, layunin ay mahalaga —

Basta’t may ligayang makukuha ka’t sila,

Salitang “buhay” pag baliktad alam n’yo ba?

YAHU ang basa sa unang apat na letra!

Ibig sabihin magsaya ka’t magpasaya,

Yahu lang nang yahu sa buhay hanggang kaya,

Pero ‘di ibig sabihin higa na lang ba,

Magtrabaho, magmahal, ngumiti, tumawa!

 

‘Wag n’yong baguhin ‘yan at ‘yay pagkakamali,

Pag iniba n’yo ‘yan hindi na tayo bati,

Kaya nga ako maulit ko lamang muli —

Trabaho…Ipon…Travel…Enjoy! — in short, TITE.

 

Short ng “titillating” ‘yan…nakakakiliti;

Nakaka-excite at nagbibigay ng ngiti,

Eh ‘di ‘yun ang gawin at isipin palagi,

Basta makakasama lang sa iba’y hindi.

 

Subalit ‘wag isiping tira lang nang tira,

Sa puntong ito may pinag-iba sa iba,

Kung ‘yung iba sa mali walang takot sila,

Sa ‘kin naman pinag-iisipan ko muna.

 

‘Yung iba kasi “away na!” parang rakista,

Ako nama’y may awat at nagpapahinga,

Ang pagsasaya dapat ay para ding kanta —

May cambio at refrain…may repeat pag maganda.

 

And may I repeat lang aking pilosopiya —

Magtrabaho, mag-impok at magpakasaya,

Mag-ipon ka ngunit ‘wag matakot gumasta,

Trabaho, Ipon, Travel, Enjoy…in short…basta!

 

Ngayon nama’y may isa pa kayo siguro

Na gustong malaman at nadadalas ito —

Na kung bakit sa dami ng mga numero,

Sa TRECE masyado akong interesado.

 

Sa dahilang espesyal sa akin ang numero,

‘Yan pa nga ang bilang ng letrang naisip ko

Ilagay sa mga pangalan, liban apelyido,

Ng mga anak ko — lahat ay labintatlo!

 

Higit pa ngayong may napansin akong bago —

Na marami ring bagay o tao sa mundo

Na ang letra sa pangalan ay labintatlo…

At ang “pagtatagal” ang isang tatak nito!

 

Maaaring sa ilan ito nga ay swerte —

ROLLING STONES at CLINT EASTWOOD at si

PAUL MCCARTNEY,

NOVAK DJOKOVIC at si JOSEPH ESTRADA s’yempre,

BENIGNO AQUINO at NOLI ME TANGERE!

 

Pati nga namayapang si RODOLFO QUIZON,

Letra n’ya sa pangalan trece din ang bilang,

Ngunit lahat naman ng ito’y bahagi lang

Ng “katuwaan” at nasa inyo pa rin ‘yan.

 

Nagsasaya’t nagkakatuwaan lang tayo,

Siguro nama’y na-entertain ko rin kayo

Sa sandaling panahong pagbabasa ninyo…

At…ENTERTAINMENT nga pala ay labintatlo!

 

Siguro din iba d’yang pakialamero

Nagtatanong bakit “Eat” nine lang letters nito,

Sa inyong kaalaman una n’yang titulo

Ay…tumpak hinala n’yo — EAT BULAGA SHOW!

 

At dahil “palabas” nga inalis na ang “show,”

Dyahe din kasi sa network na katrabaho,

Kasi napansin namin ang initials nito —

E-B-S…ngek! Katunog din nung sa Channel 2!

 

BRVBAR

IPON

KAYA

LANG

MAGTRABAHO

NAMAN

YAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with