^

Entertainment

‘Two Witty Birds’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Dala ng pagpilit ng mga kaibigan

Na nagpa-tattoo na sa kanilang katawan,

Isang mahinhi’t walang isang peklat man lang

Na colegiala ang pumayag na s’yay lagyan.

 

Ang makinis na dalaga ay umayon lang

Kung maliit at sa likod tatatakan,

Dahil sa pakikisama sa kasamahan,

Tatong “Tweety Bird” ang kanyang pinaunlakan.

 

At dahil Maria Clara’y kinakabahan,

Nakiusap patulugin bago dutdutan,

Subalit paggising n’ya s’ya ay nagulantang,

Dalawang malaking kwago kanyang nagisnan!

 

Nagdilim ang napakaputi n’yang likuran

Dahil sa higanteng kwago sa kanyang laman,

At tulad nito mata n’yay nanlalaki lang,

Waring isang bangungot nais n’yang takasan.

 

Tila sa bait dalaga ay tinakasan,

Si Maria Clara… Sisa ang hinantungan!

Tulala ito’t likod n’yay minamasdan lang,

Kwago’t s’ya sa salamin ay nagtititigan!

 

Sa nagdudutdot nagtanong ay kami na lang

Kung bakit kwago’t hindi Tweety Bird ang kanyang

Naitato nang permanente sa likuran,

Sa kanyang sinabi kami ay tumimbuwang!

 

Tanong namin kanya pang pinakiusapan

Na aming ulitin at s’yay may kabingihan,

Sa pangyayaring ito kami’y kinutuban,

May kaba nang ito marahil ang dahilan.

 

‘Yun na nga’t walang iba tenga n’yay naligaw,

Dinig n’ya sa Tweety Bird ay TWO WITTY BIRDS daw!

“Ano pa bang bird ang wise sa mundong ibabaw?

De dalawang kwago agad aking hinataw!”

 

Kaya mag-ingat at iba na ang malinaw,

Mag-ingat sa sundot, dutdot, turok ay kwidaw,

Kasama na pati ‘yang stem cell therapy daw,

Hindi pa ‘yan sure at tetestingin n’yan ay ikaw.

 

Kunsabagay ay wala tayong pakialam

At ‘yan naman ay iyong sariling katawan

At sa bulsa mo naman ang pinanggalingan,

Ngunit ito naman ay paala-ala lang.

 

Sapagkat ‘yang fresh cell therapy ng Aleman

Ay fetus ng black mountain sheep ang pinagkunan

At sa mga kliyente ay ini-injection,

It means — nanay ng tupa ay ina-abortion!

 

Dati mga black sheep ay kinamumuhian,

Sakit ng ulo kapag tawag sa ’yoy ganyan,

Ngunit ngayo’y favorite lalo ng mayaman,

Lunas na nga daw sa maraming karamdaman.

 

Merong isang kwento baka lang makatulong —

Mayamang si Aristotle Onassis noon,

Sa araw-araw ay laging nagpapalitson

Ng itim na tupang bundok s’yempre buntis ‘yon.

 

At kakanin lang n’ya pag handa na hapunan,

Op kors ‘yung baby lamb lang sa loob ng t’yan,

Mga alalay nanay pinagpipyestahan,

Sandali, si Onassis na ba ay nasaan?

 

ALEMAN

ARISTOTLE ONASSIS

DAHIL

LANG

LSQUO

MARIA CLARA

NGUNIT

TWEETY BIRD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with