^

Entertainment

‘Hayop sa Ganda!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Nung isang pagkakatao’y naisulat ko

Na mga fruits may Beauty Contest na pinlano,

Subalit ‘di nagbunga ang meeting na ito,

Sapagka’t naghalo lang ang balat sa buto.

 

Subalit sa nilikha’y naipaliwanag ko

Kung bakit marami ring nabibili kayo,

At kung minsan pa nga’y pinandi-display ninyo,

Na mga prutas d’yan na gawa sa plastiko.

 

Ngayon nama’y may nagmungkahi sa lingkod n’yo —

Beauty Contest ng hayop ang talakayin ko,

Bakit naman hindi’t mas malapit nga ito

Sa atin at may mukha ring tulad ng tao.

 

Naturalmente ayan na ang unang gulo —

‘Yan ay kung ano kayang magiging titulo?

Tuka agad ni Manok, “Eh di Penoy Hen-yo!”

Ibang kahayupan muntik na s’yang iprito!

 

Biro ni Ostrich gawing “Miss Uni-Bird” ito,

Napikon naman agad itong si Kabayo,

At dahil malaki ri’y hindi nagpatalo,

Itong si Ostrich uminit na rin ang ulo.

 

“Hoy,” sabi n’ya, “mas malapit ibon sa tao…

Dalawa lang paa namin hindi tulad n’yo!”

“Mas malaking hoy,” hinalinghing ni Kabayo,

“Kami pinakamagandang hayop sa mundo!”

 

Biglang natahimik ang mga magugulo,

Nagkatinginan at kumunot mga noo…

At sabay-sabay nagtawanan mga ito,

“Bwahahahaha!” Takang-taka si Kabayo.

 

At sa puntong ito si Loro na sumentro,

“Ano Horsey, pakiulit ang sinabi mo…

Na kayo ang pinakamaganda sa mundo?

Bakit sabi ni Vice Ganda kamukha kayo?”

 

At naghiyawan ang lahat para kay Loro,

“Wa-la ‘yan! Wa-la ‘yan! Wa-la ‘yan sa Loro ko!”

At si Kabayo nama’y biglang napatakbo,

Hiyang-hiya at feeling dehadong-dehado.

 

Kaya nga kadalasan kung mapapansin n’yo —

Bibihira o wala ang kabayo sa zoo,

‘Di kasi makasundo ibang tagarito,

Mayabang daw s’ya ang madalas na reklamo.

 

Pinagtanggol agad ni Zebra ang nagtampo

At impresyon lang daw na sosyal si Kabayo,

Dahil sinakyan ng mga bida’t hari ‘to

At ginagamit ng mga rich boys sa polo.

 

Ngunit ang tunay daw na ipinagtatampo

At ang talaga daw sama ng loob nito

Ay ang pagsalaula sa kanya ng tao

At nagagamit nga s’ya sa kung ano-ano.

 

Gamit s’ya sa plantsa! Sunog na likod nito,

At ang kadiri sa lahat at malisyoso —

Gamit ngalan n’ya sa isang abusong akto —

Madalas tawag dito ay KINAKABAYO!

 

Sayang na nama’t dahil sa nangyaring ito,

Beauty Contest ng mga hayop nauwi sa zero,

Sayang at patok pa naman ang titulo nito —

“Ang Hayop Sa Ganda!” abangan na lang ninyo.

ANG HAYOP SA GANDA

ANO HORSEY

BAKIT

BEAUTY CONTEST

KABAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with