^

Entertainment

'India long run... China will win!'

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Sa pagtanda ba ay naiisip na ninyo

Kung mga gagawi’t mga gusto ay ano?

Kayo ba ‘yung nakaporma lagi sa kanto,

Pabuga-buga ng Cohiba’t Montecristo?

O kayo ‘yung nasa bahay na lang sa kwarto

At tulala sa TV o subsob sa radyo?

Tamad maligo’t laging nakakarsonsilyo?

Laban pa ba sa buhay o suko na kayo?

Aba’y ayos ding pinaghahandaan ito

Tulad ng ginagawa namin ng pare ko,

Danee Samonte — love namin ang life pareho,

Kaya lang ngayon may mga adjustments na ‘to.

Sa pagkain kami pa rin ay nakatodo,

Pero sa pagba-viaje umikli na medyo,

D’yan sa Amerika kami na’y retirado,

Malayo’t luma na ‘yan… Asya na’ng tomorrow.

Sa U.S. naman Las Vegas lang aming gusto,

Pag may bagong bukas dun na hotel-casino,

Agad kami ni Danee nasa eroplano,

Mga sixty times na yata kaming narito.

Pero wala nang tinatayong mga bago,

Sabi nga ng iba Laos Vegas na ‘to,

‘Tapos ngarag ka pa sa tagal ng lipad mo,

Abay sa Singapore at Macau na lang tayo!

Si Pacman na nga lang daw ang nang-eenganyo

Sa iba’t-ibang lahi na magpunta dito,

So goodbye McCarran… no landing muna sa ‘yo

At sa Macau muna magma-MacArthur ako.

Sa Singapore at Macau Las Vegas na’y talo,

Halos lahat sa Asya meron nang casino —

Genting sa Malaysia, Korea at pati tayo,

Aba’t Hapon na lang pala nagpa-pachinko!

Tutal Asya naman daw ang future ng mundo,

Sa haba ng takbo magwawagi ri’y Tsino,

Isinama ko na rin mga Bumbay dito,

Bakit? “India long run, China will win!” tingin ko!

Kaya kung gusto n’yo lang na magkita tayo,

Sa Singapore o Macau ay lumipad kayo,

Tutal “ashes to ashes… dust to dust” ‘ika n’yo,

Sands kami… Marina Bay o Cotai pare ko.

Sa pagba-viaje ano pa ba kukumpleto?

Eh di shopping and eating para makuntento,

Eh saan ka pa ba lahat nga nandirito,

And don’t forget darling… Hong Kong kapit-bahay mo!

At saka pagkaing Portuges aking gusto,

At naririto pa Restaurante Fernando,

Dinadayo sa Coloane… pumipila ako

Kahit last pa sa listahan ang pangalan ko.

Dahil “sardinha grelhada na brasa” dito

Ang isa sa tsibog na aking paborito,

Iniisip n’yo siguro kung ano ito —

Inihaw sa uling na sardinas pare ko.

At pinakamasarap ang kain ko dito

Ng lechon would you believe sa buong buhay ko,

At hindi pa nga kanin aking tineterno

Kundi tinapay! “Leitao assado no forno.”

Nakupo! Makapagmumura yata ako

Sa sarrrap… oven-roasted suckling pig ‘yan ito,

At kahit siguro bawal baboy sa inyo,

Babalik kayo’t papalitan duktor ninyo!

Mahigit isang oras lang akalain n’yo,

Papunta ng Macau… pwede ngang balikan ‘to,

Walang visa… kahit nga lang naka-shorts kayo,

OA ka na lang ’pag nagka-jet lag ka dito!

At kung gustong lumayo kung kaya pa ninyo,

Kung ako tatanungin Europa gusto ko,

Lalo sa Paris sila du’y para ding tayo —

Sumusupsop din ng kuhol ang mga tao!

ASYA

DANEE SAMONTE

HELLIP

HONG KONG

KAYA

LANG

LSQUO

MACAU

SA SINGAPORE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with