'Hey Bro!... and Bra?'

Hello, Philippines! Of course, hello, Indonesia! 

Hoy Dabarkads kumusta na? Hey bro, how are ya?

But wait, parang ‘di balanced… yung girls paano na?

Pa’no ba dapat for boys and girls? Hey bro… and bra? 

Hey bro and bra, mga Dabarkads alam n’yo ba

Na bago pa man nagsimula ang programa

Ng Eat, Bulaga! ay talagang maswerte na

Sa aming grupo ang mga “E-B” na letra? 

Escalera Brothers ang naunang umentra —

Henyong palpak ng Eskwelahang Bukol sila, 

Baka konek kay Vic hinahanap n’yo pala,

O hindi ba si Bossing swerte sa EB-baba? 

 

Ako nga sa music, puro E-B din bida —

Beatles, Bee Gees, Beach Boys ang aking mga banda,

Puro B-E pa nga mga simulang letra, 

At sa “E” Eagles nga pala… s’yempre Elvis pa. 

 

Pero nung nagsisimula sa Channel 9 pa,

Isa sa barkada nu’y si Bessie Badilla, 

At sa Brazil s’ya lang ang tanging Pilipina

Na twice naging Carnival Queen! O, alam n’yo ba? 

Marami na rin ang nag-EAT na Brasiliana,

Ito ‘yung mga tipong Girls from Ipanema, 

Brazilian Club tawag sa kanilang barkada,

Meron ding ZILIAN club lang… sila yung walang BRA!

Ngek! Teka, bakit ba dun sa bra napunta?

At kanina pa… pwede bra, este pwede ba,

May ikukwento kasi ako na dalawa, 

Um Dabarkads, yung iniisip n’yo ay iba. 

 

Dahil ako’y Libra, madalas lumuluwa

Ang aking interes, hindi man o sinasadya,

Sa mga pantay na bagay at natutuwa, 

At kapag balanse… hindi ba ‘yan ang tama? 

 

Kaya nung nag-33 na ang Eat, Bulaga!,

Naglikot ang utak at kamay na gumawa

Ng logo o tatak sa taon na dakila

At sa aking natuklasan, ako’y namangha. 

Nang kambal na tres akin nang “ginagahasa”

At pinaiikot-ikot nang may mapala,

Merong lalabas ang aking paniniwala…

Titigil lang kapag may nakitang masama.

At sa wakas na nga sa aking pagtyatyaga,

Sabay malamang pagbaba ng pagpapala,

“33” ay naging E-B! Isang himala! 

(Ang larawan n’ya ay nasa ngayong lathala)

 Isang malanding letter “E” nasa kaliwa,

Nananalamin dahil sa kalandian nga,

At ang kanyang repleksyon natural kamukha,

Subalit letter “B” na ang mahahalata.

 

Pag pinagdikit mo pa ang kana’t kaliwa

Ay numero ocho ang iyong mahihita, 

O eto pa’t baka four-letter word mawika —

Mukha ring four-leaf clover na swerte’t bihira. 

 

Hugis din n’yay isa sa magandang nilikha — 

Isang paru-parong simbolo rin ng bakla, 

At bakit nabitiwan ang ganyang salita?

Pwede kasi kahit saan ang Eat, Bulaga! 

 

Sa babae’t lalaki; sa bata’t matanda, 

Sa studio at lansangan… may ngiti, may luha,

Saan mang himpilan (may pruweba na kaya),

Programang Pambansa… pwede ring ibang bansa. 

 

Ngunit ngayong Year 34 na’y may problema,

Baka may humamon sa pagka-Henyo ko ba

At hanapan agad ng disenyong singganda,

Hmmm… ‘dun muna kaya mag-host sa Indonesia!

Show comments