^

Entertainment

'Phobia-he-b'yahe na lang'

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Lonely na naman nitong mga linggong ito

Pagka’t Misis ko iniwan na naman ako,

Hindi hiniwalayan ibig sabihin ko

Kundi sa anak ko’y bumisita’t nagtungo.

 

Mabuti kung ’yun lang ay sa isang probinsya,

Ngunit sa Londres lang naman s’ya bibisita,

Anak ng Put Your Head On My Shoulder talaga!

Ito ay para manood lang kay Madonna!

Anak ng Poker Face naman ni Lady Gaga!

Pa-pa-Paparazzi Don’t Preach namang Judas ka!

Manonood lang kay Madonna sa London pa?!

Eh Eh... Nothing Else I Can Say sa’king mag-ina.

 

At malamang maki-Olympics pa nga sila

Ng aking hija dun na si Jocas Eightria,

Ano pa nga ba eh di mabuti pa sila ...

Samantalang ako dito’y nangungulila.

 

Pero ba’t ako t’wing aalis ang asawa,

Nalulungkot ako at hirap na mag-isa,

Subalit bakit at ako ay nagtataka,

‘Yung iba naman o karaniwa’y ang saya?!

The Queen of Pop performs in Hyde Park as part of her MDNA tour. — Photo by Jocas de Leon

 

Ewan ko lang hindi sa ako’y nanghuhusga,

Sa pagkaunawa ko’y pagkakataon na

Na lumabas nang lumabas... s’yempre magpyesta

Nitong mga lalaking wala ang asawa.

Subalit inyong lingkod tila kakaiba,

Kunsabagay, ba’t ‘di kaya subukan muna?

Ngek! Ako lamang siguro ay “bumait” na;

Iba na ideya ng “oras ng ligaya.”

Ano tingin n’yo ako ba’y may diperensya?

Sa alam ko’y WALA... ako lang ay may phobia,

Matagal na ito’t ‘di po nagpapatawa,

Mayroon akong takot kapag nag-iisa.

 

Waring hindi ako mapakali talaga,

Lalo na sa pagb’yahe at walang kasama,

Tingnan n’yot tunay na hindi makapag-isa,

Pagkat tatlo-tatlo pa ang tawag sa phobia.

Tawag dito’y “Isolophobia,” “Monophobia” at “Autophobia,”

‘Di na matandaan kung kailan nag-umpisa,

Ngunit sinusubukan ko namang makontra,

Kaya nga pumapayag ding umalis sila.

 

Kailangan lang sa aki’y laging abala,

Yaon bang ginagawa ay isang katerba,

Ngayon ay hindi na ninyo ipagtataka

Kung bakit parang hindi na nagpapahinga.

 

Pero ano ang seryong tingin n’yo talaga?

Mas okey pa ba at aprub ang aking phobia?

Kaysa sa “Misiphobia” — takot sa asawa!

O “Isaphobia” — fear na misis lang ay ISA!

 

Isang phobia lang hindi kinatatakutan,

Maaaring magtaka’t isang kalokohan,

‘Di ako nagbibiro at totoo po ‘yan,

‘Yan po’y ang sakit kong phobia-he-b’yahe na lang!

AKO

ANAK

ANO

EH EH

HYDE PARK

LANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with