Last Sunday, April twenty-nine, kami’y nagpunta
Ng buong Eat, Bulaga! Dabarkads sa Tsina,
Nang sa Macau pababa aking naalala —
Tayo’y may territorial dispute na problema.
Mababaw at lulubog-lilitaw lang ba s’ya —
Ang dahilan at lugar na pinoproblema,
Kung ako tatanungin ay pabayaan na
‘Yang Kalburo Shoal — shoal business tayo na’y sobra.
At saka ang aking ikinakaba-kaba —
Baka mga singkit sa ati’y magalit pa
At baka magtampo’t gawin, ‘wag naman sana,
Pagpunta natin ng Hong Kong meron nang visa!
Wakanga! Ano ba ‘yan? Tama na, tama na!
Eh ‘yan ngang word na “shoal” bago nga lang sa iba,
At sa unang dinig para ngang sa kanila —
Shoal… sho-mai… sho-pao… o, mukha ngang Made In China!
Sige, malamang pati Macau madamay pa,
At nangyari na ‘yan nung araw alam n’yo ba?
Na kapag Pinoy ka o taga Indonesia,
Patatabihin ka at mag-iimbestiga.
Buti nga ngayon trato sa’tin ay gumanda
At dahil sa Macau “gaming” ay dumali na,
‘Di ka na magka-casino sa Amerika,
In less than two hours uncle “nasa Las Vegas ka!”
Kung atin nga Kalburo eh ano problema
Kung mga taga Tsina dito’y bumisita?
Nagpapadala ng barko — “shipping” kumbaga,
Eh tayo naman panay SHOPPING sa kanila!
O, ‘di ba isipin mo la’y nakakatawa?
Kaya tama na ‘yan at tayo’y tabla-tabla,
Pinagtatalunan isda lang nakatira,
Makisama na lang tayo’t ang laki nila!
O, duwag na kung duwag…sige na, sige na,
At kayo’y matatapang at dinidipensa
Karapatan daw pero teka, teka, teka,
Este, kaya mo bang sa Kalburo tumira?
Scarborough Shoal, Bajo de Masinloc, Huangyan —
Ano ba naman ‘yan? Iba-iba pangalan —
Isang Ingles, isang Kastila at Intsik ‘yan,
Ops, wait… no Tagalog? Wala tayong paki d’yan!
At saka Eat, Bulaga! theme song magugulo,
Dahil letra nito’y mababago takbo
Pagkat dating “Mula Batanes hanggang Jolo …”
Dugtong na’y “…Kasama na d’yan ang Scarborough…”
Kaya daw Tsina-tyaga ng dalawang bansa
Pagbabantay sa Kalburo’y dahil sa isda,
Is dat so? O baka may fish OIL dito kaya?
Ito ang Fish Talks na mukhang hindi mapayapa.
Tingnan n’yo at nag-N’YO TRAL ang Amerikano,
This is not new… “Bahala kayo sa buhay n’yo!”
At mas malakas ang kapit ng tse-kwa dito
Dahil du’y may Chinatown… Pinoytown ewan ko.