^

Entertainment

'The Sea's It!'

ME, STARZAN - Joey de Leon -

‘Sandaan taon na ang drinking Coca-Cola,

Sinking of the Titanic 100 years din na,

Connection ng dalawa’y hinahanap n’yo ba?

Parehong tungkol sa pag-inom... tubig lang isa!

 

O, o, o... ako lang po ay nagpapatawa,

Eh ‘yan naman ay dun sa mga nakakuha,

Ngek! Teka, hindi n’yo pa rin ma-gets talaga?

Sorry, ang joke po hindi ini-eksplika.

 

Pero dito pwera biro at alam n’yo ba

Na Titanic paborito kong pelikula?

Kumpleto kasi’t sa haba sulit ang pera,

Historical, may action, drama... at may bomba!

 

At nahiligan ko rin ang tungkol sa kanya,

Ang sakay ko sa cruise ships ay labintatlo na,

Takot ko nga sa tubig ay d’yan naapula

At may mga kwento pa na nakakatawa.

 

Kung nasulat ko na ay hindi maalala,

Tulad sa pagsakay isang pasahero ka,

Ngunit sa dami’t dalas ng tsibog sa cruise ba,

Sa pagbaba mo isang bagahe ka na!

 

At kung bakit mas marami ang matanda na

Na mahilig mag-cruise ship ay batid n’yo na ba?

Dahil nga pag-ugod at mga nginig nila,

Sa galaw at alon ay nagtutugma sila!

Subalit may isa na mapapaisip ka —

Na ang tao’y lubhang mapagbiro talaga

Tulad ng tadhana gitna man ng sakuna

Na ubra pang mangyari’y “nagpapatawa” pa.

 

Nangyari ito about 15 years ago na,

Isang special tour package ang aming nakuha,

Lumipad via Concorde mula New York pa,

Tumawid sa Atlantic tungo Inglatierra.

 

At sa Savoy Hotel tatlong araw nagsaya,

Pagkatapos ay lumulan sa QE 2 na —

Queen Elizabeth The Second at b’yahe na s’ya

Pabalik ng New York… more than five days tagal n’ya!

 

Ngek! Ano ba naman? Pambihira talaga!

Ang tuli’t bilis… supersonic ang papunta!

Superbagal naman pabalik Amerika!

Five days of Atlantic… weather supersungit pa!

 

Pero eto na at kayo na ang humusga —

Nang mga five hours na lang ang natitira,

From Southampton to New York kami’y bababa na,

Sa ship’s theater nagpalabas ng pelikula.

 

Aba at maaksyon at medyo din ma-drama,

Subalit ‘di ko malaman kung matatawa,

Sa may pinto’t patayo pinanood ko s’ya,

What movie ‘kanyo? Eh di Titanic ano pa?!

 

SOSH talaga… as in Sense Of Sick Humor baga,

O Sense Of Seasick Humor ay mas eksakto pa,

O kung gusto n’yong salsalin pa at ipwersa,

Eh di tawagin na nating sink humor hindi ba?

At s’yanga pala para sa panghuling kabet —

Sa sked ko’y naisinget at aking inulet,

Pinanood ko muli sa 3D Titanic

At nasilip ko ulit ang 2D ni Kate Winslet!

FROM SOUTHAMPTON

KATE WINSLET

NA TITANIC

NEW YORK

NGEK

PERO

SAVOY HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with