^

Entertainment

OKAY (O Kanin At Yelo)

ME, STARZAN - Joey de Leon -

Madalas mabasa sa mga artikulo

Tungkol sa pagba-viaje ang tanong na ito —

Ano ang pinaka-importanteng dala mo?

Sa ngayon karamihan ay cellphone ang boto.

 

Sa akin mga gadgets ay hindi gaano,

Mas importante pa sa’kin ang camera ko,

Pero sa byahe talagang numero uno

At okay ako basta may kanin at yelo.

O kanin at yelo! Ang travel ko’y kumpleto,

Kapag wala nito hindi ako ganado,

Kahit pa nga caviar o foie gras pa nga ito,

Sinasabayan ko ng kanin! Bastos ko ‘no?

 

Eh bakit ba’t ano ba’ng pakialam ninyo?

Eh sa ‘yon ang masarap at talagang trip ko,

At kahit pa paos at kahit below zero,

Kailangang may yelo ang iniinom ko.

 

Nung araw doon sa may Saint Andrews sa Scotland,

Si Bossing amin ni Tuviera’ng sinamahan

Para mag-golf — prize na kanyang napanalunan,

Mahigit isang araw kaming nagliparan.

Habang si Vic Sotto pumapalo next morning,

Kami naman ni Tony ay nag-walking-walking,

Nang sa British Golf Museum kami’y abutin

Ng tanghalian naghanap agad ng kanin.

Anak ng put a tiger in your woods pare ko!

Puro fish and chips at haggis nga pala dito,

Ang sarap pa ng haggis kung may kanin ito

At ‘di sanay sa tinapay my stomago.

 

At nag-panic attack agad bituka ko,

Japanese Restaurant lang ang solusyon dito,

O kaya’y Italian na may menu’ng risotto,

O kaya’y paella sa isang Spanish Bistro.

 

At inabot kami ng kilo-kilometro,

Para ring naglaro ng thirty-six holes dito!

‘Di na rin maalala kung rice ay natamo,

Pagkat sa layo ng nilakad ay nahilo!

 

Kaya mula noon tuwing lilipad ako,

Binabasa mabuti ang pupuntahan ko,

Bastat maraming kanin sinisigurado

At kung walang yelo gagamit ako ng snow!

O kanin at yelo na makapangyarihan,

Pag kayo’y pumasok sa aking lalamunan,

Completos recados na lahat ng chibugan,

Soup, salad at dessert hindi na kailangan.

 

Para ano pa ang panawagan ni ina

Noong tayo ay bata pa na “kakain na!”

Kung wala namang kakaning kanin, hindi ba?

Kahit nga sa mga baboy, kanin ang una.

 

At kahit sabihing nakakataba ito,

Sa kanin pa rin ako kahit pa lumobo,

Pagkat sa almusal kapag walang ganito,

Malulungkot naman ang kawawang itlog ko!

vuukle comment

BRITISH GOLF MUSEUM

JAPANESE RESTAURANT

KAHIT

KANIN

PAGKAT

SAINT ANDREWS

SPANISH BISTRO

VIC SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with