^

Entertainment

'Hermes, son of shoes (Zeus)'

ME, STARZAN - Joey de Leon -

‘Di naman sa pagiging mayabang at labis,

Subalit may rubber shoes akong limang pares,

Sasabihin ng iba d’yan, “That’s very much less!”

Ehem, excuse me lang ‘no ... lahat ‘yon ay Hermes.

Pero ‘di naman ‘yan ang punto ng istorya,

Kundi may hangganan din mahal na panlasa

At sa kurso ng paggasta at eksperyensya,

May hindi mababayarang nakakatawa.

 

Minsan kasi nung Eat Bulaga! ay nagpunta

At nagkaron ng palabas sa Singapura,

May libreng araw ng shopping mga barkada,

Kaya ikot muna’t Jimmy Saints ang kasama.

 

At dahil nga Hermes na sapatos de goma

Ay talagang pinaka-paborito ko na,

Kaya sa mga tindahan s’ya na inuna

At sa display mukha’y muntik nang bumalandra.

 

Pagkat sumalubong sa aki’t humalina —

Hermes na may kombinasyong itim at pula,

Sa ganda ang nasabi, “Anak ng pu_ _!”

Anak ng puma talaga! Hanep ang porma!

 

Pero bomba’t pamatay ay naririto na —

Nang aming tanungin na ang kanyang halaga,

Sa pera natin three hundred thousand pesos s’ya!

Itim na parte kasi’y balat ng buwaya.

 

At dito na nga ay tunay nang napamura,

Pero ang ganda — ganda naman n’ya talaga,

Subalit tapang ko ay hindi s’ya kinaya,

Ngunit sa payo ni Jimmy ako’y sumaya.

 

“Alam mo Pareng Joey merong mas maganda

At malamang dito ay mas makakamura,

Magpahuli ka na lang ng isang buwaya,

May sapatos ka na, may belt at jacket ka pa!”

 

Oo nga nama’t may utak din naman pala,

Pero sa’n manghuhuli? ‘Yon lang ang problema,

At saka ‘yung tatak Hermes mawawala na,

Ang lalabas noon — Hermes na pinirata!

 

So hindi masama kumatay ng buwaya,

Naalala ko tuloy si Hermes nga pala,

Messenger of the gods may pakpak sapatos n’ya,

Ibig sabihin nun may ibon s’yang tinira!

 

Well, usapan na naman nati’y mapupunta

Sa mga kahayupang hilig ng tao ba,

Tingin ng tao sa hayop ay iba-iba,

Kaiba na rin kaysa panahon ni Noah.

 

May ilang buhay gustong alagaan nila,

May tuyo’t binalatan ang nais ng iba,

Kaya inaalagaan ay mahal sila

At kaya pinapatay ay mahal ang benta.

 

Hayop mang walang paa, apat o dalawa,

Ostrich man o buwaya, tupa man o sawa,

Dati’y sa zoo ngayon sa mall na makikita,

Wala na silang ligtas... bag ang bagsak nila!

 

Kaya nga kung sakali sa ating panahon

Mangyayaring muli ang pangyayari noon —

Ang isang pagbaha of Biblical proportion,

Sakay ng arko — Chanel, Hermes, Louis Vuitton!

* * *

From Chanel to Channel 5 — watch today’s Celebrity Samurai at 12:30 p.m. and The Biggest Game Show In The World Asia tonight after Talentadong Pinoy.  

Speaking of more kahayupan, Eat Bulaga! will be at the COW Palace in Daly City, San Francisco on March 31. Purchase tickets at Seafood City or www.ticketmaster.com.

ANAK

BIGGEST GAME SHOW IN THE WORLD ASIA

CELEBRITY SAMURAI

DALY CITY

EAT BULAGA

FROM CHANEL

KAYA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with