^

Entertainment

'Tongue Ninyo'

ME, STARZAN - Joey de Leon -

Alam n’yo naman ako’y may pagka-pasikat

Na maglaro ng salita’t kung sa’n nag-ugat,

At kung may pagkakataon ay bumabanat,

Hanggang isang gabi’y nasilat... eto ulat —

Nasa London pa kami at almost na one week,

Ang mga kinain ko na ay up to my neck,

Kaya isang dinner ‘di na alam ite-take,

Naging poetic na lang, “There’s no mistake with steak!”

Rule: Kung no choice sa pinakamahal ilagay,

Kung kaya nga all eyes na lang ako sa rib eye,

At nung turn ko nang umorder ang nasabi ko ay,

“Well, I will hib...” ngek! Ayun na nga at sumablay!

Hib dahil sa rib... ayayay dila’y bumara,

Eh ano pa magagawa kundi matawa,

Mahirap na bawiin at sumabetchi na

At narinig lahat ng buo kong pamilya.

Ang dila at isipan kung minsan ay hindi

Nagtutugma kaya nga nagkaka-wow mali!

Kaya pag nagmura “TONGUE” simula palagi

At hindi ba “TANG” din ang simula ng TANGE?!

O dilang labas-masok speaker ng ulo,

Minsan sa tao nagbibigay basag-ulo,

‘Di naman mapigilan at may tibok ito,

Kahilatsa ‘yan ng puso kung titingnan n’yo.

‘Di ba n’yo napansin at nasa gitna ito?

Nagbabakod sa puso at utak ng tao,

At sa puso naman ay may tanong lang ako —

Ba’t ba s’ya nasa gitna ng dalawang suso?

Malamang iba d’yan inis na sa lingkod n’yo

At hinahamom pang tanong ko’y sagutin ko,

P’wes ‘wag magugulat KAYA kong gawin ito,

Basta’t promise lang pipigilan ang tongue ninyo.

Mula leeg hanggang singit ay tingnan ninyo,

‘Yan ang pangalawang pagmumukha ng tao,

Puso nagsisilbing pinaka-utak dito,

Pusod ang ilong... iba’y bahala na kayo.

Kung ang reaksyon n’yoy gusto akong iuntog,

Pansinin muna’t pagtakhan magkakatunog —

 Suso, puso, pulso, pati puson at pusod —

Putcha, daming “pu” nun ah! Ano pa susunod?

Puwit na pang-upo kung saan galing ang pupu,

Puklo, punyos, puting buhok pati nga puyo,

At ‘di ba’t ang tangkay ay larawan ng puno?

At pag nasa taas mga bansa la’y pulo.

Hay naku tila tuloy napapalalim na,

Basta pag ikaw ay pinuna ng dalaga

Sa iyong pagtingin-tingin sa katawan n’ya,

Sabihin mo na lang mukha n’yay binabasa.

Ano naman ang katapat ng ating batok?

O ‘di ba nga’t sa second phase and face ay buttocks?!

O ano rindi na ba inyong mga utaks

At kulang na sa “react” dahil naka-botox?

Ngayon itatanong n’yo ano naman ang legs,

Naturalmente ‘yan ang pangalawang leeg,

For the next thing you’ll read really your pardon I beg —

Ang umbok na Adam’s apple katumbas ay... eggs.

Ops teka, bago kayo maghuramentado,

Tingnan n’yo na muna uli nang buong seryo,

Dalawa talaga pagmumukha ng tao;

Masyadong balanse at masyadong perpekto.

Private part o sex organ din mouth area natin,

Eksakto bahagi’t ari kung susuriin —

Bibig ay sa babae... dila ang masculine,

kaya paligid ng bibig ay may balbas din.

At sa ilang may tiwala at paniwala

At umaayong kamay mga tenga na nga,

‘Di kayo nagkamali sa aki’y pagsangga,

Pagkat eto pa sa kalaba’y tutulala —

Kung pangalawang mata’y mga suso na nga,

O hindi ba’t mata ang labasan ng luha?

At kapag ang bata ay may luha at uha,

‘Di ba’t may tutulo rin na gatas ng awa?

O ano mga asar meron pa bang ngawa?

Maganda ‘yung binanatan ko at dakila,

Bastat tandaan ang mata’y may iluluwa

Kung kaya nga may nana ang mata ng pigsa!

ALAM

ANO

AYUN

KAYA

KUNG

LSQUO

MDASH

NASA LONDON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with