'Sosyal Mag-LBM'
Pag may anak akong mag-aaral sa abroad,
Nakikihatid ako sugod lang at sunod,
But pag may isa kang sa school sobrang in the mood,
My God nakakapagod! O... I’m just getting old?
Pero sobra talaga anak kong si Jocas
At tatlong school degrees na aming mamamalas,
Bilang ama ako’y ‘di naman umaatras,
Kaya lipad uli nang labimpitong oras.
Nung unang marinig course na kukunin ngayon,
Ako ay nagulat at LBM yata ‘yon,
“Kurso” talaga dating at nasabi ko no’n —
“Hindi kaya ang klase nila’y sa comfort room?”
Nabahuan ako sa kurso n’ya nung una,
Tanong ko pa nga’y bakit pa sa Inglatierra,
At nagpaliwanag anak kong fashionista —
LBM ay Luxury Brand Management pala.
‘Di talaga mapipigilan pag-iiba
Ng mga bagay sa mundo pati kultura,
Dito nga sa Londres sa ngayong pagbisita,
Maraming napansin na tila kakaiba.
Fish and chips nga dito malapit nang malaos,
Ngayon, “You can’t do London without doing Nando’s!”
‘Yan yung chicken dito na may peri-peri sauce,
Well, mag-ingat lang yung mga may almuranas!
Isa pang napansin pagdating sa tsibugan
Ay dumarami na ang restaurants ng sakang,
Hit na hit at may ilan ding may kamahalan
At may iba pang binabayaran sawsawan!
Three Saturdays ago, January 14 noon,
Sa tabi ng hotel may restaurant ang Hapon,
Kiku ang pangalan at nag-lunch kami doon,
Talagang pag nasa byahe puro ka lamon.
Pero after lunch parang biglang natunawan
Nang anak kong si Jako ay may binanatan
Habang himas pa’ng t’yan, “Dad, dito lang sa London
Lamon nang lamon pero pounds nababawasan!”
That punch after lunch ay aking pinalakpakan,
At bihira ring sumundot ang anak kong ‘yan,
‘Yan ang birada na mahirap malimutan,
Katulad din ng susunod na kasaysayan.
Nung January 17 (You know what I mean),
Mula sa London’s Euston Station kami’y nag-tren
Papunta sa Liverpool na aking long-time dream,
At habang tumatakbo’y nanumbalik sa’kin —
Year 1961, second year high pa ‘ko nun
Sa may Legarda, Manila sa Juan Sumulong,
At sa napuntahan ngayo’y nagka-connection
Pagkat pag iningles ko s’yay magiging “Go John!”
Hindi ba’t “Go John” pag iningles Juan Sumulong?
Para bang “Fajardo Bato” naging “Hard Rock” lang!
Buti nga’t ‘di sa Lopez-Jaena pinasukan,
Kung hindi’y “JAENA HIGH” magiging eskwelahan!
At sa taon ding ‘yon unang nagkatugtugan
Sa silong na madilim na isang inuman
Ang banda ng musiko... ‘di ‘yung sa pyestahan...
Na magpahanggang ngayo’y aking sinusundan.
Yeah, yeah, yeah! Ang The Cavern nga ay napasyalan
Dun sa Liverpool at kung saan pinagmulan
Ng Beatles na banda ni Ringo, George, Paul and John —
The greatest rock and roll band the world has ever known!
At s’yempre sinagad ko na bilang Beatle fan,
‘Wag kayong mainggit... lahat ay pinuntahan —
Penny Lane, Strawberry Field pati paliparan,
At sa Hard Days Night Hotel din kami nag-landing-an.
Kaya ‘yung LBM ng anak ko’y wala na,
Nasuklian ng isang side trip na maganda,
Kaya meaning ng LBM biglang nag-iba,
Naging LIVERPOOL BEATLES MEMORIES na... Oh yeah!
- Latest
- Trending