'Wow o mali?'
Nung araw nung sa movies aking kainitan,
‘Yan ‘yung panahon ng “Elvis & James” at “Starzan,”
King of Toilet Humor pa akong naturingan,
Gayong pinaka na’y si Cheeta-eh lang naman.
Nung ginawa ko “Supermouse and the Roborats,”
Mga kritiko ko’t censors sobra ang react,
Pero nitong huli dumating na si “Borat,”
Todo pasa la’t lahat nakikihalakhak.
Panahon at tao talaga’y nagbabago,
Toilet humor ba ‘kamo ngayon na’y tinodo,
Pagkat bida na’y bangko ng dumi ng tao —
“Ang Babae sa Septic Tank” may award pa ‘to.
Halos “magmura” na nga ang mga titulo,
Taon-taon paulit-ulit ang “Ina Mo!”
Bakit nung araw pinag-initan n’yo ako?
Ngayon pala’y gagayahin n’yo rin ang style ko.
Ibig sabihin ba n’yay natuto na kayo
Na wala ngang masama sa doble sentido?
Kung gayon ‘yay himala, Nora ano’ng say mo?
“Walang... masama!” Basta ‘wag lang diretso!
Double entendre or “double understanding” ‘yan,
Salita o linyang doble interpretasyon,
Karaniwan ang isa ay may kapilyuhan,
Madalas ay sekswal at pribadong kaganapan.
Ngunit hindi nga lahat magandang pakinggan,
Sapagkat may banat na may kagarapalan,
Kaya ‘yan sa totoo’y pinag-aaralan,
Sulat-sala sa isip bago pakawalan.
Parte ‘yan ng “humor” kung hindi n’yo pa alam,
D’yan ako magaling at minaster ko na ‘yan,
Kung talagang “butas” lahat ay hahanapan,
Halos lahat ng bagay ay may “kabastusan.”
Isang taong nakaluhod sa isang sulok man,
Nakayuko at nananalangin malamang,
Kung “mamasamain” mo at duda ay lagyan,
Sa isip mo’y may mabubuong kalaswaan.
Madalas sa interview sa aming programa,
Kapag may gustong mag-stewardess na dalaga,
Masama ba kung sinasabi ko sa kanya,
“Sana balang araw ay masakyan din kita.”?
Narito ang para sa duda n’yoy gumalaw —
Kung nag-e-Eat Bulaga! kayo araw-araw,
Laging “Pinoy Henyo!” aking isinisigaw,
O ano, ang pandinig n’yo ba ay malinaw?
Kung naiisip mo ay ‘yung hindi maganda,
Pwes aking kaibigan nagkakamali ka,
Kung naiisip mo nama’y nakakatawa,
Ang galing-galing mo at ikaw na... da bes ka!
Subukan natin paghatol n’yo ng salita,
Sabihin n’yo ngayon kung ano mas malaswa —
Ang linya bang “kiss sabay hug” ang mas asiwa
O ang linyang “kiss sabay labas mo ang dila”?
Isa pang aralin sa “Ano Mas Masama?” —
Sa paglalarawan ano ba mas masagwa?
Linya bang “putong inamoy n’yong lahat” kaya,
O “putong nginata, niluwa at dinura”?
Marami nang “kinawawa” subalit tama,
Tulad ng “Anak ng foot ang inch” o ‘di ba nga?
At “pwede ko bang mahawakan ang ‘yong baba?
Uyyy ang sarap... at bagong ahit ka pa yata.”
Tanong ngayon: Naaliw ba kayo o hindi?
Sa mga natunghayan kayo ba’y nangiti?
Kung oo di tigilan na ‘yang pagsusuri,
Sino ba dapat magsabi kung Wow o mali?
* * *
“Starzan, The Shouting Star of the Jungle” becomes “The Swinging Star of the TV Jungle” every Sunday. Watch me swing from one network to another... and back — starting at 12:30 p.m. on TV5 in
Celebrity Samurai.
At 8:15 p.m. on GMA 7, I’m one of the judges in
Protégé.
Then it’s
Wow, Mali!
in its new time slot on TV5 at 10 p.m.
By the way, I will be soon recording my own version of our National Anthem.
- Latest
- Trending