'Now he is just 71'
Birthday ko sa Friday, October 14 po ‘yan,
Pero iba muna ang ating pag-usapan,
Sapagkat ngayon mismo kanyang kaarawan,
Happy Birthday John Lennon! You are 71.
Bukod sa bilib ako sa Beatle na si John,
Marami kasi kaming hawig sa pangalan,
Pareho kaming “J.L.”, ten letters ang bilang,
Una’t huling dalawang letra ay the same ‘yan.
Ops, kanya-kanyang trip ‘yan, please walang basagan,
Inuunahan ko lang ‘yung mga asar d’yan,
Eh sa maraming hawig pati kalokohan;
Pati sa palusot — pasimpleng kapilyuhan.
Maaaring ‘di maniwala’t isautak
Na nung ni-record daw I Saw Her Standing There track,
At doon sa opening bibilang ng apat,
Ipinahiwatig — bad four-letter word na f_ _ _!
Parang ako ‘yan — sinasadya’t iniiba,
Noong gumagawa pa po ng pelikula,
Si Cheeta-eh sa “Starzan” t’wing yayayain na,
Imbes na “Tayo na!”... dialogue ko’y “Tae na!”
Totoo po ‘yan at hindi n’yo mapupuna,
Kung walang aamin eh walang ebidensya,
Marami pa ‘yan tawa lang kami nang tawa,
Pag nag-dubbing kasi pwede pa ‘yang maiba.
I’m very sorry po ako’y bigyang pasensya,
Nangumpisal na po kaya patawarin na,
Nagkakatuwaan lang ganyan lang talaga,
Parang laro... henyo ka pag iyong nakuha.
‘Di lang sa tunog maging sa letra’y pansinin,
O, “When she was just seventeen, you know what I mean ...”
Kung baga sa atin — “Nung s’ya ay dalaginding,
Alam mo na pare ang ibig kong sabihin...”
May mga pilyong mensahe nakalihim
At sa ganang akin ‘yan ay sining,
“And I held her hand in mine...” o, ituloy natin —
“At hinawakan ko kanyang kamay... sa akin?”
Iba’y ‘di papayag at malamang sabihin
Na ako ang malisyoso at may tililing,
Sa “Please Please Me” John was begging for equal pleasing,
And the word “come” twenty-four times inulit darling.
At marami pa ngang palaman ‘yan mga ‘tol,
Sex pati drugs daw inirolyo sa rock and roll,
Pero ang maganda ay hindi s’ya garapal,
Matindi sa “imagine” ang taga-Liverpool.
Kaya nga dinadayo dambana’t estatwa,
Kahit anong layo pa katulad sa Praha,
At pati sa Japan museo sa Saitama,
At malapit na rin sa Havana sa Cuba.
Pati nga si Fidel Castro tagahanga n’ya,
Pagkat “rebolusyonaryo” silang dalawa,
At tulad din ng kumpare n’yang Che Guevara,
Pagdating sa T-shirt malakas din ang benta.
A “fellow dreamer” turing sa kanya ni Castro,
Kaya ‘di lang pinagpatayo ng rebulto,
Bagkus kakaiba pinagawa n’ya rito,
Dahil idol n’ya “pinagpaupo” n’ya ito!
Kaya nga hanga ako sa katulad niya,
Para bang Da Vinci Code ang mga birada,
Medyo asiwa lang kung isisigaw ko na,
“Mr. John Winston Ono Lennon... mabuhay ka!”
Ngek!
Birthday din ni Snoopy nung nakaraang Linggo,
Eh ano ngayon siguro ang tanong ninyo,
Well, I was born kasi in the year of the aso,
Kaya Mr. Snoopy Puppy Birthday sa iyo!
O eto pa isa para mainis kayo —
Sa next Sunday naman birthday ni Winnie the Pooh,
O ano konek sa ‘kin siguro tanong n’yo,
Wala... WINNING lang amga Ka-POOH.
- Latest
- Trending