^

Entertainment

'Tororista'

ME, STARZAN - Joey de Leon -

Mga isang buwan na nang maging turista

Kasama ang buong Dabarkads sa Italya,

Pero nung July 13 and 14 nag-iba,

Humiwalay sa grupo’t naging TORORISTA.

 

Pakana ng aben-TORO-so kong asawa,

Kaya mula Roma lumipad ng Pamplona,

S’yempre kasama si Eileen at balik-Espanya

At nag-Running of the Bulls kaya tororista.

Mula Madrid ay tatlumpu’t limang minuto,

Natural gumamit kami ng eroplano,

At dahil init-lamig sinagupa dito,

Eileen beside the Monument to the Encierro at the Avenida Roncesvalles in Pamplona, Spain.

Achooo! Running of the Nose din ang inabot ko.

At dito ay matutuwa si Bonifacio

Pagka’t naka-pula’t puti lahat ng tao,

Pinakamarami na ‘to sa nakita ko,

Sampu mang San Beda ay kukulangin dito.

Pagdating na pagdating agad na tumakbo

At sa Plaza de Toros hinanap na pwesto,

Pagkatapos pa lang ng tinodas na tatlo,

Ginutom na’t naghanap ng rabo de toro.

 

Para bang kinalderetang buntot ng toro,

Wala nga lang kanin kaya tinapay ako,

Hindi naman bagay ang paella iterno,

Magiging parang kaning-baboy labas nito.

Sa mga ‘di pa nakakapanood nito,

May karahasan s’yempre palabas na ito,

Ginawa lang sining ang pagmamatadero

At tampok lang dito ay ang tapang ng tao.

Parang hindi pa rin umalis ng Italya

Mga viente hanggang treinta minutos nga lang

Tinatagal ng toro bago mamaalam,

Kung pwede lang sigurong mag-request na lamang —

Tapusin na sila at ‘wag nang paglaruan.

At sa kauna-unahang pagkakataon,

Isang kakaibang toro ang nasaksihan,

Matapos ang habulan, suwagan, ilagan,

Napagod ang toro at naupo na lamang.

Naturalmente mga tao’y naghiyawan,

Ang pinagtawanan ay hindi mo malaman,

At the Plaza de Toros Pamplona with the thousands of spectators all dressed in red and white.

Ngunit sa totoo, sa tahimik nga lamang,

May umaasa ding matador ay tamaan.

Ang Running of the Bulls naman o Encierro

Ay nagmula lang sa pagpapastol ng toro,

Ang mga animal lang ay pinatatakbo,

Nakikitakbo’t nakikigulo lang tao.

Na naging piyesta’t isang tradisyon na rin

Alang-alang sa patron nilang si San Fermin

Na nang namatay alam n’yo ba ang salarin?

Si! Sa toro ay ginawa s’yang kaladkarin.

Kung kaya ba taon-taon mga taga-Pamplona,

Ang mga toro ay ginagantihan nila,

Pagtakbo sa umaga diretso arena

At sa gabi’y gagawing martir na de lata.

Pero sa totoo lang sa aking napansin —

Dapat ang patron nila’y hindi si San Fermin,

Bagay ay si San Miguel if you know what I mean,

Wait... Fermin is short for Fermin-tation... pwede rin.

Sapagkat kung doon mapapa–“Mamma Mia,”

Parang same pareho din dito sa Pamplona —

Halos lahat napapa–“mamam maya-maya!”

Wait again, kailangan ba talagang meron;

Kailangan pa bang santo ay magkaroon?

Basta ang mahalaga ay meron lang “Patron,”

Again, if you know what I mean... you don’t? Aw c’mon!

 

Ngunit may isang nadiskubrihan nga pala

Dito sa biglaang pagpunta sa Pamplona,

Maniwala o hindi nasasainyo na,

Holding the bull not by the horns.  

Pero para sa akin ito na talaga.

Salitang “gago” ‘di ba kayo nagtataka

Kung saan nanggaling at pinagmulan niya?

Well, ‘yan lang naman ay klase ng toro pala,

Sa panganib at tigas ng ulo... pinaka!

Sa ‘king nasagap ay naniniwala ako

Sapagkat mga Kastila nasakop tayo

At minsan nga ang “gago” aking naingkwentro

Sa Sevilla’t pangalan ng sikat na tao.

 

Pinakasalbahe ang torong Cebado Gago,

Kaya nga siguro itinawag sa tao

Na nanunuwag at medyo may pagkapilyo,

Kung ayaw n’yong maniwala eh _ _ _ _ kayo!

vuukle comment

AT THE PLAZA

LANG

PAMPLONA

PERO

RUNNING OF THE BULLS

SAN FERMIN

TORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with