'The Man from Laman-T'yan'
Matapos ang ilang linggong kwentong Espanya,
At isang linggong chikang Londres, Inglatierra,
Kasama ang aking sa ‘Pinas na pamilya
At pamilyang binuo sa Spain ng mi Papa.
Kasama naman ngayon ay mga barkada
Sa Eat, Bulaga! ngayon nama’y sa Italya,
Ba’t ‘di na lang dito sa Europa tumira
At mag-show — “EATALY GA!” Not a bad idea.
“EAT” nama’y ‘di iba sa mga Italyano,
Lagi nilang binabanggit ang tunog nito
Sa pagbati nila araw-araw sa iyo,
O hindi ba’t ang “CIAO” ay tunog “EAT” pare ko?
Sana’y natawa o natuwa man lang kayo,
Grazie mille sa mga palakpakan n’yo,
Pero teka, ang “EAT” kaya’y mangiare dito?
Well, mangiare na ang mangyayari... ewan ko.
Shocking fifth (stanza five kasi)! ‘Yan ba’y totoo?
Whack the fat! Mangiare ay “EAT” sa Italyano?!
Hoy Allan K, ano na ang masasabi mo?
“Sawa na ako sa ano ni David... rebulto.”
Hoy bruha, EAT! EAT! ‘Yon ang topic namin dito,
At sa dahilang puro “EAT” na lamang tayo,
Kinain sa Spain tuloy naaalala ko
Lalo na ang jamon Jabugo y queso Manchego.
At turo ni Inay naaalala ko rin,
Na nang mag-host sa Bulaga in the beginning,
Hindi makapagsalita at alanganin,
Bilin n’ya kasi — “Do not talk while you are EATing.”
Parang usapan na’y nagiging cheesy,
Let’s return to Manchego na aking sinabi —
Mi queso favorito from Toledo kasi
Doon ang La Mancha kaya nga Manchego eh.
At ang hinala ko iyang si Don Quijote,
The Man from La Mancha na ating sinasabi,
Kesyo ‘yun daw ang pangalan n’ya sa trulili,
Tutuli mo! Your real name is Don KESO-TE!
Kaya ang Queso Manchego na nga ang the best,
Queso City ang La Mancha... ‘dami mong pa-effect,
Pinalitan mo pa ng “J” ang dati mong “X,”
Sa’yo yata nanggaling na pag “dati” ay “ex.”
Of course naglalaro lang ako mi amigo,
Sa totoo ginoo ay gracias sa iyo,
Hindi lang sa Manchego na muy delicioso,
Kundi kay Cervantes sa iyo’y nag-imbento.
Kaya nga’t araw-araw sa aking trabaho,
S’yay laging nasa isip at hawak-hawak ko,
Sapagkat s’yay subok; na-testing na totoo —
My lance with shining armor... Don Miguel, ang MIKE ko.
At s’ya rin nagsabi na sa pagkokomiko,
Mahirap gampanan ay ‘yung sira ang ulo,
At para mairaos ang papel na bobo,
Kailangang maging isa kang matalino.
O papano nagsisimula na encierro —
The Running of the Bulls ang tawag natin dito,
Sa Pamplona sa Espanya lipad pa ako
At sa Jueves na darating na ang takbo ko.
It’s tu-rue magra-Running of the Bulls ako,
Tatakbo syempre palayo sa mga toro,
Ano ‘ko bale at nasisiraan ng ulo?
Mahal din ‘yung binayarang balkonahe ko.
May napansin ba kayo’t halos dalawang b’wan,
Puro layas at lamon lang ating usapan,
Sandali lang at bago ko makalimutan,
Ako ang inyong lingkod... The Man From Laman-T’yan!
- Latest
- Trending