^

Entertainment

'Joey eats joey'

ME, STARZAN - Joey de Leon -

At natapos din Spanish stories ko nung Linggo,

Mahalaga’y nadalaw ko din ang tatay ko,

Natapos ang Espanya paglapag sa Heathrow,

At ang naging drama — from Seville to Savile Row.

Tapos na tapas, paella’t buntot ng toro,

Fish and Chips ang pumalit ‘di masyadong type ko,

At pag kanin na ang hinahanap-hanap mo,

Hanap ka ng Hapon o magtyaga sa risotto.

Kaprasong joke lang — sa Pinoy ay turo-turo,

Sa mga Kastila naman ay toro-toro!

Ano naman sa Japan tawag sa ganito?

Ano pa eh di tora-tora! Arigato.

Alam n’yo naman ako kapag nandirito,

Walang laman kundi puro Beatles ulo ko,

O kaya’y pumunta at lumamon sa Borough

Ng sari-saring burgers — ostrich and kangaroo!

Dati na ‘kong nag-steak kangaroo in Australia,

Medyo hindi na joey ‘yon at matanda na,

Kumain ng rabbit paella sa Espanya,

Ngayon nama’y ostrich burger sa Inglatierra.

Gusto n’yong magtanong ano ang kahulugan,

Tingin ko wala namang ibig sabihin ‘yan,

Kung aking nakaraan lang ay babalikan —

Butiking naipit sa pintuan... inulam!

‘Yat kumpleto na kainan sa buong mundo,

Sapagkat sa London naman ay “borough-borough,”

Lahat na maisip na pagkain ng tao;

Pati ‘di mo maiisip ay meron dito.

Borough Market bahagi na ng kasaysayan,

Malaking palengke katabi ay simbahan,

Sapagka’t kung sobrang paglamo’y kasalanan,

Sa Katedral humingi ng kapatawaran.

At kung medyo OA ka at ‘di na makaya,

Aba’y katabi lang ay London Bridge talon na!

But I think pag tsirit sa Borough natikman na,

Malamang ang dasal mo ‘wag kang kunin muna.

Eileen, Jocas and Jako at the famous Borough Market, London’s most renowned food market

Talaba, buwaya, tupa at pati zebra,

Lahat ng exotic at “yuck-sotik” sa iba,

Standing room only walang silya at mesa,

Kaya sa simbahan nagpi-picnic ‘yung iba.

Akala ko pa nun sa “Obladi,Oblada,”

“Desmond works at Borough that’s a market place,” letra,

At nung aking malaman ay “barrow” lang pala,

Eh konting pasens’ya... Beatle fan lang hong tanga.

Simbahan nga pala’y Southwark Cathedral at s’ya

Ang gothic church na tinayo na unang-una

Sa London pero mas bagay “GOBIHC” sa kanya,

Sapagkat “CHIBOG” kapag binaligtad mo s’ya!

Dito sa lugar ng susunod na Olympics,

Maraming beses na ring nagpabalik-balik

At may isang bagay ditong sa’kiy klik na klik —

Pwede lima sa taksi at ‘di kayo siksik.

Pero sa London ngayon ay nakakagulat,

Lalo pa daw after William and Kate tied the knot,

Sa Westminster kung saan kasal ay ginanap,

Pila ng bisita’t turista’y walang puknat.

 Para sa kaalaman ng ilan sa inyo,

Ang Westminster Abbey bukod sa s’yay magarbo,

Mga dating Hari’t Reyna ay naririto,

In short, malaki’t sosyal na sementeryo!

Nakalagak din dito ang kung sino-sino,

Mga actor, manunulat, siyentipiko,

At may isang sundalong ‘di alam kung sino,

Churchill sa may pinto... malakas manabako?

O papano in two days iba naman menu,

Puro pasta naman mga babanatan ko,

Tago muna ang pounds labas uli ang euro,

Puttanesca! Sing uli ng “O Sole Mio.”

ANO

BOROUGH

BOROUGH MARKET

BUT I

ESPANYA

FISH AND CHIPS

LSQUO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with