'Los En Translation'
Sa pagpapatuloy ng aking istorya
Sa mga nangyari sa byahe sa Espanya,
Mula Madrid, Toledo, Sevilla, Cordoba,
At idagdag pa ang Alhambra sa Granada.
Nakita’t naalala pinagsama-sama,
May nakakatawa at may magugulat ka,
Una na d’yan ang T-shirt na “I Love Granada,”
Syempre ‘di ko kinuha... ano, terorista?
Nung araw na ako’y medyo bata-bata pa,
Kahit saang bansa pa ako na mapunta,
Ang inaalam ko agad na unang–una —
Kung may Hard Rock Café para sa kamiseta.
Pero nang dumami’t naging isang maleta,
Magsasawa ka ri’t interes mag-iiba,
Kaya kung sakali sa aki’y makikita —
T-shirt kong suot Hard Bird University pa.
Tao’y nagbabago minsan pati kultura,
Malalaman mo lang kapag nagba-viaje ka,
Tulad sa Espanya, ito ba’y alam n’yo na?
Duon sa McDonald’s pwede kang mag-cerveza.
Sa sinabi ni Jako sa Twitter account n’ya,
Maraming Dabarkads nakabasang natawa
Sa sinulat ng anak kong mana sa ama,
Dahil sa beer sa McDo “Happy Meal” talaga.
Inom, kain at usap kahit sa bangketa —
Ganyan lang ang takbo ng buhay-buhay nila,
Painom-inom lang kahit na patayo pa,
Museo ng hamon parang meron la’y sila.
Anak ng pata ng baboy it’s true talaga!
Parang cholesterol ‘di uso sa kanila,
Kaya ‘wag matakot, sige maki-pica,
Si De Leon basta may melon sa jamon ... yahhh!
Melon con jamon ‘yan ang aking paborito,
Kahit araw-araw at kahit buong linggo,
‘Pag nasa Espanya ako di’y naloloko
Sa tapas na pulpo at rabo de toro.
Nang kami’y manood ng bullfight sa Sevilla,
May saksak sa toro at dugo sinusuka,
Tingin ni Jocas mawawala aking gana,
Nang mag-dinner... toro pa rin aking tinira!
Nung nasa Sevilla huling linggo ng Mayo,
May isang kalye dun na naging paborito,
Mga limang ulit yata kumain dito,
Ang pangalan ng kalye ay Mateos Gago.
Dikit-dikit kainan sa Mateos Gago,
Puro tao bangketa, iskinita’t kanto,
Left and right orange trees na naranja amargo,
Tuloy lang ang tsibog bagsakan man sa ulo.
At isang araw nga ay nadale ako,
Bubot na orange tumama sa salamin ko,
Dahil galing itaas senyales kaya ito?
Kaya biglang nagsimba sa Katedral dito.
La Santa Iglesia Catedral de Sevilla —
Isang dating moske na naging simbahan na,
S’ya ang pinakamalaking templong gotika,
Si Cristobal Colon nakalibing sa kanya.
Kung ang huling binanggit ko’y ‘di n’yo kilala,
Aba at sa History ay mag-repaso ka,
S’ya lang naman nagdiskubre ng Amerika,
Korekek! Si Christopher Columbus na nga s’ya.
Pero may isa na pambihira talaga —
Ito ang Mesquita, katedral sa Cordoba,
Muslim ka man o Kristyano ito’y maganda,
Kristong nasa moske kayo ba’y nakakita na?
Sa dami na rin ng bisita sa Espanya,
Akalain n’yong ngayon ko lamang napuna —
Mga Hollywood film titles din iniiba,
Kinakastila din sa mga billboards nila.
Pirates of the Caribbean sa Ingles syempre,
Ang Kastila naman “Piratas del Caribe,”
Pero nang makita billboards sa mga sine,
Pati pangalan ng artista’y niretoke!
Isa lamang ang pumasok sa aking isip —
Apelyido ng bida isinunod sa script,
Tungkol naman sa dagat kaya ang giniit
Imbes na Johnny Depp gawin nilang Johnny DEEP.
- Latest
- Trending