^

Entertainment

Paella con Bugs Bunny

ME, STARZAN - Joey de Leon -

Nasa London na ngayon ang aking pamilya,

Mas malamig ng konti kaysa sa España,

To continue my story last week from Sevilla,

At last last Tuesday night dumating ang maleta.

Biro n’yong sosyal at bagahe ay Rimowa,

But two days namang ‘di nagpalit ang turista,

First time kong “mawalan” sa viaje ng maleta;

First time ding ‘di naligo ng two days nga pala.

Kaya nung mag-tren papunta ng Toledo,

Mabango na’t hindi maanggo parang bago,

Sa lugar ni Don Quijote nama’y dumayo

Na akala ko nung araw “Donkey” short nito.

Dahil pa nga si “Donkey” or si Don Quijote

Nakasakay sa bisiro which is a ... donkey!

Ngunit kahit ano pa ang porma ni pare,

Tuloy lang ang laban n’ya, sige lang nang sige.

“To dream the impossible dream,” say nga ng dyaske,

Isang bagay kung gugustuhi’y mangyayari,

Parang ako rin pag tungkol sa pagba-viaje,

Tuloy lang ang kodakan kahit na mapanghe.

Katwiran ko sa buhay dati nang nasabi —

“Trabaho, Ipon, Travel, Enjoy” — in short ... TITE.

Kaya lumalagare sa Singko at Syete

At lumipad nang lumipad pag nalibre.

 

Habang nasa La Mancha laman ng isip ko

Kasaysayan ni “Donkey” ‘di naman totoo,

 Sinulat lang ni Miguel na ‘di tagarito,

Pero malakas ang dating sa katulad ko.

Si Miguel de Cervantes isang Madrileño,

Nakatayo pa rin dahil sa monument,

Iba talaga pag may kwenta ka at kwento,

Magpakailanman matibay kang parang bato.

 

Jako, the rabbit paella lover with Jio and Jocas at the Rincon de Esteban in Madrid

Pagbalik sa Madrid ay hindi pa nagkasya,

Tumuloy pa sa Museo Reina Sofia,

Sapagkat narito pa isang obra maestra —

Walang iba kundi ang kay Picasso’ng Guernica.

Pero San Pablo naman! Huwag mapipika

Sapagkat gumagwardya dito’y lima-lima,

Mga mukhang suplada; matalim ang mata

At handang manita pag ikaw’y nag-kamera.

 

Kaya tinitigan ko na lang ang Guernica

Habang pabalik-balik sa kahabaan n’ya,

 Sa kalalakad ko — izquierda y derecha,

Labing-apat na hakbang ko ang haba niya.

At sa pagbababad ng aking mga mata

Sa likha ni Pablo Picasso’y may napuna

Sa dakilang pinta na napakahalaga,

Si Pablong pabling hindi pala nakapirma!

Ewan ko lang baka hindi ko lang nakita

At kung wala talaga’y ano dahilan n’ya,

Sa’kin ay oks lang baka lang tingin ng iba —

Milyong-milyon tseke na walang nakapirma.

 

Kaya ibang fans naiintindihan ko na,

Kung walang picture-taking, autograph pwede na,

Kung parehong magagawa ay mas maganda

At para sa kanila tunay na pruweba.

Sa araw na ‘yun puso ko ay umaawit,

Sa isang hapunan tinapos at sinulit,

At dahil nasa Madrid paella no limit,

Ay nagkanya-kanya kaming paella na trip.

Ang sikat na lugar ay sa Almagro Street,

Arroceria La Buganvilla tsumirit,

Pero sa inorder ni Jako ako’y na-ngek!

You won’t believe it — paella na may rabbit!

Ngik!

That’s all folks!

ALMAGRO STREET

ARROCERIA LA BUGANVILLA

DON QUIJOTE

GUERNICA

HABANG

JIO AND JOCAS

KAYA

LANG

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with