EAT (Earthquake And Tsunami)
Anak tempura! Marami pa ring kabayan
Ang nagugulantang sa nangyari sa Japan,
Ba’t daw nagkaganyan Hapo’y religious naman
Dahil madalas nilang binabanggit ang “san.”
Ngek! Talaga lang nakaguhit mangyari ‘yan
Sapagkat kalikasan mahirap na pigilan
At saka masisisi ay sila rin naman,
Pagkat salitang “tsunami” ay Made in Japan.
Pero sa mga Popong bow ako talaga,
Mas tumindi pa’ng panghanga ko sa kanila
Sapagkat sa harap ng problema’t sakuna,
Kitang-kita pa rin kanilang disiplina.
Sa gitna ng masakit na dinaraanan,
Matatag pa rin at hindi pinanghinaan,
Pagkagulo ng isip ‘di kinakitaan
At patuloy pa rin silang nagbibigayan.
Mamamahayag natin may matututunan
Sa pagbabalita sa Hapon na paraan,
Sa dami ng buhay sila ay nalagasan,
Kahit isang bangkay ay hindi mo nagisnan.
Ganyan kadalasan ang ating pagkukulang,
Nang dahil sa labanan at pag-uunahan
At nang dahil sa kontrobersyang kailangan,
“RESPETO” sa pagbabalita’y nawawalan.
At kung sa atin nga siguro nangyari ‘yan,
Pinapanalangin ko na sana’y ‘wag naman,
Mga bangkay na agnas at nagtitigasan —
Malamang lahat ng anggulo ay kukunan.
At ngayong magsisimula na ang sakura,
Mabawasan kaya lungkot ng kanyang ganda?
‘Yan ang mas magandang tutukan ng kamera,
Nang maipakita isang bagong umaga.
Gawang tao mang Nagasaki’t Hiroshima
O tsunami mang kalikasan ang may dala,
Sa pusod ng lahat iba ka kung magdala,
Sa bawat pagsubok isa lang sayonara.
At bago inyong lingkod tuluyang magsara,
Ako lang talaga’y lubos na nagtataka —
Marami namang araw na pwedeng pumirma,
Kung bakit noong may tsunami sumabay pa?
Pasado alas tres pirmahan at kamayan
At s’yempre maraming piktyuran at kodakan,
Viernes, a-onse ng buwang kasalukuyan,
Bulaga at GMA muling nagsumpaan.
At hanggang sa huli’y iniisip ko pa rin —
Why the tsunami same day din ng signing namin;
Wat is da konek? Nang biglang aking mapansin —
“EAT” ay Earthquake And Tsunami ibig sabihin!
***
(More Puwetry, Atbp.)
May babaing pangalan ay Gigi,
Ang ugali ay napakalandi,
Nagpalaki ng puwit,
Ayan tuloy sumabit,
‘Di na makatayo pag nagwiwi.
***
This vavavoom Cherry was born sa Hapon
And she was named after the cherry blossom,
But she loves to consume maaanghang,
Puro may sili lang nilalafang,
That’s why may nag-blossom sa kanyang tumbong!
***
May isang maganda at seksing Kapamilya
Na sobra ang likot at pagkapilya-pilya,
Merong ka-kwan-nection sa lahat ng station,
Hanggang isang araw protection nag-malfunction,
Sa isang Kapuso nanggaling ang semilya!
- Latest
- Trending