Noong March Twelve sa Bulaga, Saturday last week,
Napa-smile ako sa hosts sa suot na damit,
Sa T-shirt nila merong cute na nakatitik
At ang sabi, “Eat, Bulaga!... It’s clean... I watch Eat.”
Of course alam n’yo nang Pinoy Henyo nanggaling,
Pauso ni Zaida na stewardess namin
Na pag tinanong tungkol pagkain, “Is this clean?”
“Yes it’s clean because I washed it,” sagot sa amin.
At dahil nga dito ay biglang nagunita
Noong sa Eat, Bulaga! ay nagsisimula,
Kauna-unahang T-shirt na pinagawa —
Ang tatak, “ Hangga’t May Bata May Eat, Bulaga!.”
At nung unang taon nga at anibersaryo
Ay para bagang kami’y naging ambisyoso
Sapagkat ang tatak na natatandaan ko,
“Happy Anniversary... Ninety-Nine Years To Go.”
Ngek! At bigla na ngang pumasok sa ulo ko
Na birong ambisyon malapit sa totoo
Sapagkat palabas sa ngayon ay thirty-two,
Sixty-eight years na lang ang hihintayin n’yo!
Bakit naman hindi’t nung a-onse ng Marso,
Habang sa Japan nagtsu-tsunami’t magulo,
Pumirma na naman ng kontrata aming show,
Tuloy ang trabaho ng mga Pinoy Henyo.
Iba d’yay sasabihin sira aking ulo
Sa mukhang imposibleng pinapangarap ko,
Siguro nga ang tsunami may papel dito,
Pag jinambol ang “tsunami” — I AM NUTS you know.
Hoy! O ano nagulat kayo sigurado,
Mga big events na sabay may meaning ito,
Sa totoo’y iniisip ko rin kung ano,
Hindi kaya dahil “hapon” kasi aming show?
Ayun! Ibig sabihin sa hapong programa
Eat, Bulaga! ang pinaka-record-breaking na
At pirmahang ito ay tsunami sa iba;
Ang Eat, Bulaga! ay show-nami na talaga!
Sa puntong ito mahirap maging humble pa
Sapagkat araw-araw kita ebidensya,
Anim na pangulo ba naman ang nakita,
Hayyy, manhid ka na lang pag hindi naging proud ka.
Ang show naming sa tunog mukhang ‘di masaya
At hindi nagsasaya na tulad ng iba,
Pero nalindol namin marami na sila,
Like a tsunami nabu-Bulaga na lang ba.
Ano nga kaya ang ibig sabihin really
Ng tsunami sa pagpirma ulit ng EB?
Ngek! Letters n’ya kasi ay Tito, Vic & Joey —
“Tito Sotto, Utol ‘N’ Also MI (me) ...TSUNAMI!”
Ngek! Akalain mo nga at naipilit pa,
But ano’ng magagawa eh ganon talaga,
Sakyan n’yo na lang at sabihin sa barkada
Pausong isa pa, “Eh ikaw na ... da best ka!”
***
Pero usapang seryo — Let us pray for Japan
At ipanalangin natin ang mga Hapon,
Lakip pag-asang tulad lang ng cherry blossom,
T’wing sila’y malalaglag babango’t magbu-bloom.