^

Entertainment

'In the name of Thomas Alva Edison'

ME, STARZAN - Joey de Leon -

Patuloy pa rin ang gulo at argumento

Tungkol sa binagong slogan ng turismo,

Ang aking boto na “Maraming Perpek Dito!”,

D.O.T. mukhang pinag-iisipan ito.

Kunin n’yo na at napakaganda nito

Kaysa naman sa Korea na nagkakagulo,

“Be Inspired. Korea.” na paanyaya’t logo,

Palagay ko lang ngayon — “Be Afraid.” siguro.

Pero maso-solb din ‘yan ng mga Koreano,

More than 60 years na ‘yang mga tampo-tampo,

Atupagin natin ay ‘yong sa Pilipino,

Ingles ba o Tagalog ang catchphrase na gusto?

Magmula nang lumabas aking artikulo

Na sumundot tungkol dito nung isang linggo,

Marami na’ng tinanggap na kung ano-ano,

Meron pa ngang tumawag sa ‘king sira ulo!

Pero seryoso, maganda ‘yung “I Phil Good.” ko,

In fairness, may dating ito, umamin kayo,

Pwedeng “Phil Good.” o “Fil Good.” na lang kung gusto n’yo,

Bastat ‘wag “Pinas.” lang dahil tunog “killed” ito.

Basta’t magkasundo tayo sa isang punto:

Na English word o words karugtong ng bayan ko,

Nang sa ganon buong Asya pare-pareho

And no more explaining ibig sabihin nito.

Pang-uri o adjective lang ikakabit mo,

Ang dami n’yan kaya nga lang dapat totoo,

Dahil kung hindi ‘yay isa nang panloloko,

Manok kong “perpek” magiging “peyk-peyk” pa, oh no!

At eto na nga mga kumakandidato ——

Dahil maraming beach, “Beachy Philippines,” kuno,

Sabat ng isa dahil hospitable tayo

Ay “Patient Philippines.” — naku po, nagkagulo!

“Turkey. Rising.” , “Thailand. Amazing.” — ‘yan ang tipo,

Kakabit ay English word may “ing-ing” sa dulo,

Pero ‘wag lang sanang magka-eng-eng sa ulo

At Pacman ulit ... “Boxing Philippines” iboto!

Wag tayong magmadali’t pag-isipan ito,

Magandang pagkaabalahan muna you know —

Pagpapalit ng pangalan nitong bayan ko,

Ayos ‘yan sa diskusyon ay mahilig tayo.

Go! Masaya tayo kapag nagkakagulo,

Up to now hindi pa nga tayo sigurado

Kung sinunod tayo kay Felipe Segundo

O sa ermat n’yang si Queen Felipa, o ano?

Aprub ‘yan mula palasyo hanggang barbero,

Senado, parlor hanggang TV studio,

Habang ang latest sa showbiz inaalam mo

At s’yempre pa habang tumataya sa lotto.

Alam n’yo naman tayong mga Pilipino,

Buhay na buhay pag may bagong mga isyu,

Kaya sige walang humpay na pagtatalo,

Palitan muna’ng “Pinas” saka na turismo.

Tutal ‘yang slogan pandagdag lang ng bango;

Pampapogi lang at commercial sa TV n’yo,

Sa totoo, turista’y pupunta lang sa ‘yo

Dahil sa balita at mga kwento-kwento.

Kaya importante tao’y makaseguro,

‘Di ka kakabahan dahil walang magulo,

Maganda kodaka’t makasaysayan ito,

S’yempre malamig at maraming shopping dito.

* * *

And speaking of maraming shopping , Puregold Jr. San Dionisio in Parañaque opened last Nov. 30 and Puregold Extra Malabon will open tomorrow, Dec. 6.

* * *

In the Q & A portion of Press It, Win It for the two Visayas contestants last Nov. 19, I asked, “Sino ang kauna-unahang tumapak sa buwan?” The choices were number one : Thomas Edison, and number two : Neil Armstrong. Nobody got the correct answer. They both pressed number one. After giving them the right answer (Neil Armstrong) , nagpakwela ako, “Iba ang natapakan ni Edison. Kailangan pa n’yang maligo pagkatapos n’yang matapakan ito.” I don’t know if they got my yucky joke. During the commercial break that immediately followed, napa-acheche ako at napa-ngek when I realized that what I was talking about did really have a “fucky” (that’s for funny and yucky) connection to the great inventor. Go read his three initials — Thomas Alva Edison.

S**t! That’s right. Ngek!

* * *

Plug and plunger: Get a copy of the November Issue of UNO Magazine with Ramon Bautista and Paloma on the cover. This very entertaining magazine featured some interesting pages about my movie life in pictures. S’yempre nandun din si Cheeta-eh.

Ngek! S**t na naman!

vuukle comment

AT PACMAN

BE AFRAID

DAHIL

LANG

LSQUO

NEIL ARMSTRONG

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with