'President No. 6 for Eat, Bulaga!'
Bilog na hugis itlog na ating ginamit
Naging century egg sa batuhan ng putik,
Ilang kandidato parang teksas at bulik,
Iba’t-ibang kulay, taga-himas at tindig.
Inahing Bayan tuloy ang aking nasambit
Nang sa May 10 tayo’y pumusta at nag-elect,
Parang may manuka’t sabungan ang sinapit,
Tuloy ang Comelec parang tunog OMELET!
Tapos na ang tupada’t tayo nang magligpit,
Sa mga umentra’t sa tari ay sumabit,
Magpagaling na la’t kung ‘di pa nagigilit,
Sa susunod na pa-derby na lang umulit.
Dalawa dahilan kung bakit nakuryente
Itong si Villar at hindi na umabante,
Ito lang naman daw ang mga siete-siete ---
Dahil sa “Villarroyo Issue” at ... Villame!
Ngek ko po! May ganon? Ano ba ‘yan? Acheche!
At ang duda pa nga ng ibang makakati —
Nadamay pa ng huli ang isang nag-bise
Pagkat inendorso din s’ya nito sa TV!
Pero tapos na mga ‘yan kaya let’s move on,
Pero kung wala talagang sentido-comon
At kung gusto lang magwaldas ng milyon-milyon,
Eh di magpa-endorse sa kanya next election.
Tutal s’ya daw ang Most Influential na Person,
‘Ya’y ayon sa Yes Magazine na publication,
Pero ano ang nangyari at nagkaganon?
Oh NO! Na-influenza ang rekomendasyon!
Tapos na ang makasaysayan na halalan,
Mabilis, tahimik, konti ang kaguluhan
At pati mga coverage ng mga himpilan
Ay naging magarbo din at nagkayabangan.
Sa makabagong teknolohiya’y naglaban,
Kapuso’t Kapamilya ay nagparinigan
Na meron silang hologram — Ngek! Ano ba ‘yan?
Meron din n’yan sa Haunted Mansion sa Disneyland!
Ang isa’y ‘di nakatiis at nakialam,
Para maiba iniba pa ang pangalan,
Kanila daw ay “virtual presence” — Ngek! Aw c’mon!
Kahit ano’ng pa-epek n’yo eh fake pa rin ‘yan!
Pinupuna n’yo ang “effects” ng kalaban n’yo,
Bakit hindi epekto ng mga endorser
Noong eleksyon sa mga kumandidato,
Sino-sino nagpanalo at nagpatalo?
At bakit ba ‘yan pinagkakaabalahan?
May malala pa sa “hologram issue” na ‘yan,
At ito’y taga- riyan sa inyong himpilan
At reality pa nga kaya lang...” talogram.”
Ihatid na lamang n’yo ang inaabangan —
Ang resulta ng boto at mga bilangan,
Mga special effects ‘di namin kailangan,
Alam naman nating tayo’y nagbobolahan.
At kung mayroon mang ilang natutunan
Ang mga talunan ng nagdaang halalan —
Sikat na endorsers ‘wag basta aasahan;
‘Wag gamitin sa palabas ang kahirapan.
Tingnan n’yo ang nanalong si Noynoy Aquino,
Walang special effects; kung ano s’ya kita mo —
Pawis na pawis at buhok ang gulo-gulo
At hindi tinago ang paninigarilyo.
Ehem, pero oras na ng pagyayabang ko,
Pagkat Eat, Bulaga! nais kong malaman n’yo,
Pagsumpa ni Noy sa katapusan ng Hunyo,
Ang Dabarkads nakaka-ANIM nang pangulo!
From Macoy na ang First Lady pa’y si Imelda
Up to Noy at ang uso nay si Lady Gaga;
From Metrocom to Jejemon at malayo na,
Wish ko lang — sana ay tatlong presidente pa.
Ngek!
* * *
By the way, Puregold will hold Isang Bayan para sa Asensong Kabuhayan! — Puregold: Tindahan ni Aling Puring Sari-Sari Store Republic 2010 Convention is a four-day event. This year’s convention is on its fifth year and bigger because it will be for four days (three days only in the past four years). First two days May 26 to 27 exclusive for members, May 28 to 29 open to the public.
* * *
On June 5, Eat, Bulaga! will have a show at the Rio Penn and Teller Theater in Las Vegas. To the fans of Allan K. who wish to see him, you can catch him hanging around the Chippendales Theatre also located inside the Rio All-Suite Hotel and Casino. May ganon!
And to the fans of TVJ, you can see us in the slot machine area. Ngek!
- Latest
- Trending