Kowloon — Because we have this rare coincidence of Chinese New Year and Valentine’s Day falling on the same day, let me give you my special greetings for this double celebration — Hopia Valentine!
(To the tune of Happy Birthday)
Hopia heart day to you
Hopia heart day to you
Hopia heart day, hopia
heart day
And Kong Hei Fat Choi too!
(Repeat)
Mga gifts ko sa ‘yo
Siempre magkaterno
Hopiang munggo’t hopiang baboy
Siempre pa tea’t tikoy.
* * *
At dahil sabay nga sa linggong ito
Ang Valentine’s Day at New Year ng Tsino,
Narito pa ang isa kong regalo —
Isang tulang tutulo ang laway n’yo.
Ito ay tungkol sa isang old love ko,
Nung araw kasi at bata pa ako,
Mga chicks na chinita aking tipo,
Here’s the story pinakapaborito —
From here ang dad mo at Peking ina mo,
Nang unang magkita, tandang-tanda ko —
Lips mo’y matambok na parang Hargow;
Dibdib mo at behind like specials siopao.
And whenever na tayo ay magki-kiss,
Para bang nasa bibig ko ay lychees —
Masarap, malambot, napakatamis,
At ‘yan sa ngayon ang aking nami-miss.
I’m in Hong Kong now para sariwain
Those Valentines and Chinese New Years natin,
Ang tagal na nun Beijing pa ay Peking
And you paid pa for ating kinakain.
Those were the days tayo’y nagsusubuan
At merong isang ‘di ko malimutan,
Sinubuan kita ng isang hipon,
Sinubo mo sa ‘kin ‘sang platong canton!
Hindi ba’t nagkatawanan lang tayo?
Nakatingin nga sa ‘tin mga tao
At lumalabas pa nga uhog ko
Habang naglalabas ka’ng pambayad mo.
And remember mga tawagan natin?
You used to call me pa nga tatang “Chim-Chim,”
Pero sa t’wing magagalit ka sa ‘kin,
Parang ang dinig ko’y nagiging “Chimp-Chimp!”
Kutis mo nun ay parang almond jelly;
Like pink lapu-lapu ang iyong pisngi,
Ako’y baliw sa ‘yo pag naka-mini,
Now, I’m sure, naka-duster ka na, baby.
At ‘yan naman tawag ko sa ‘yo — “Baby,”
Lumalabas sa labi ko palagi,
Baby oh baby oh baby oh baby,
Baby lee nito at baby lee nire.
At ngayong may trabaho na ko’t kwarta,
I can now pay for our comida china,
Pero wala ka na’t meron nang iba
At narinig kong anak mo’y sampu na!
Remember, muntik pa tayong magtanan?
October 5 pa yata ang day at buwan,
‘Di lang natuloy dahil umuulan
At wala akong pang-taxi man lamang.
At sana ay naaalala mo pa
Nang dito sa Hong Kong unang magpunta,
Siempre sagot mo’t ikaw ang may pera,
Economy ako at business class ka.
* * *
Note: The picture of a painting which appeared in this column last Sunday (New’ng Lahat!/Feb. 7) did not carry a caption. The title of that beautiful oil by this writer is The Slaying Of Picasso.
* * *
Bagong taon ng singkit ay sumulpot —
Ang taon ng tigre na nangangalmot,
Kaya asahan lindol at paglikot;
Mga bagay na may liksi at buntot.
At sa eleksyon ang gusot ay tiyak,
Sapagkat gustong maluklok ng lahat,
Katulad ng mga lahing pusa’t cat,
Maghahari-harian sa ‘ting gubat.
Kaya mga tao dapat mag-ingat,
Sila ang pusa ‘wag kayong kakagat,
Ang gaganda ng kulay nila’t balat,
Sa maling himas mo, ikaw ay warat!
Kulay ng tigre kandidatong lahat —
Kahel, dilaw... ‘di ka ba nagugulat?
Nun pa sila naghanda’t nagsiyasat,
Kaninong pangil ang hindi matalas?
Mahirap sabihin at madalumat
Kung sino sa mga nakikiusap
Ang sa baya’y may tunay na pangarap;
Matapat at siempre ‘di isang corrupt.
Taong ito ay ginintuang tigre,
Kaya’t magmamatigas ang marami,
At ito ngayon mga nangyayari —
Kanya-kanya silang batas at ere.
Ngunit tila maraming nagpapanggap —
Galing sa hirap at makamahirap —
Mga ungol na ito’y di matanggap,
Are they golden tigers or just dirty tats?
Sa Mayong ito’y nakakasiguro
Na marami sa mga kandidato
Ang ‘di papayag at magpapatalo,
At tulad ng pusa t’yak na magulo.
Magaling manligaw ang mga pusa;
Malambing at lalampungin ka bata,
Ngunit kwidaw pag ikaw’y humilata,
Itatakbo’t nanakawin ang isda!