A word about awards
(To the tune of Ang Pasko Ay Sumapit)
Ang Pasko ay sasapit
Tayo‘y ‘wag munang magalit
At pati mga sabit
Sa next year na uli isingit.
Peace muna kaibigan
Tigil muna ang tsismisan
At ang bawat kabit
Ay regaluhan din nang ‘di magalit ... Ngek!
(Refrain)
Bagong kabit ay sa Valentine‘s na
Habang si Pare balik-asawa
Mag re-connect lang sa bagong taon
Tuloy ang kaligayahan
Tigil muna ang gimik
Nang si misis manahimik
Gayahin n‘yo si Tiger
Bumitaw bago mag-New Year
Mag-sorry ka nang todo
Promise mo na magbabago
At sa Bagong Taon
Baguhin mo lahat ang mga chicks mo!
(Coda)
O, ‘di ba maganda
Bawa‘t bagong taon bagong ligaya.
* * *
To all my readers, a Merry Christmas! And to the Superstar Son, a Happy Birthday!
Last Dec. 11 at around 8:30 in the evening, Eat, Bulaga! signed another contract extending its stay with GMA 7 for another three years. Yes, until around the end of the world according to the Mayans — Dec. 21, 2012. And according to my dreams, the end will come at exactly 1:00 in the afternoon. Anak ng put your head on my shoulders! Habang nag-e-Eat, Bulaga!? Okay lang, matagal pa naman ‘yun eh.
* * *
Two-Oh-Oh-Nine: Malapit nang maging very old
And it is time to give the issues the final word,
At sa girls na na-link sa golfer na very good,
It was your fault — you let a tiger get in your woods.
Sa mga pulitiko — please, utang na loob,
Paggamit sa masa ‘wag masyadong marubdob,
Kung ano na lamang maipagkakaloob
Pag kayo‘y nahalal — mabuting paglilingkod.
Ngunit sa Bagong Taon gusto kong idulog,
Idii‘t pagtuuna‘t ibahin ang tugtog
Ay ‘yung tungkol sa award at ang naghahandog,
Sana naman po ay ‘wag sasama ang loob.
Sa mga award-giving bodies sa susunod,
Mahalan n’yo naman trophy‘ng pinamumudmod,
Dapat lasting hanggang recipient ay umugod;
‘Yung ‘di mawawala kahit na magkasunog.
Hindi ‘yung pagtanggap pa lang may tanggal agad;
Ang gaang-gaang parang papel nililipad,
Dapat ay solid, bakal, bronze, kahit hindi gold,
Bastat mabigat — may dating kapag hino-hold.
Meron pa ‘kong nakitang parang palo-tsina,
Malapit na ngang maging plywood, anak tokwa!
Bigatan n‘yo naman para magkahalaga,
Eto matindi — parang ang yayabang n‘yo pa.
Okay rin ang kahoy kung isang iskultura
O kaya‘y kristal tipong gawa ni Orlina,
Hindi ‘yung salamin o gawang palo-tsina;
Hindi ‘yung tatanggap ay mapipilitan pa.
Mas mabuti pa nga ang isang kasulatan
O isang plake na lamang kaya kung minsan
Kaysa naman isang tropeong pundido lang
O gawang lata pagtanggap masusugatan.
Ako‘y nagmamahal lang sa sining talaga,
Bukod d‘yay pinagkakapuri nagawa na,
Minsan nga‘y pakiramdam ay nagagamit pa
Sa pagpunta‘t pagtanggap sila‘y kumikita.
Sa mga magagalit ay magpasensya na
At iyan lamang po ang tingin ko talaga,
Pinag-uusapa‘y parangal hindi po ba?
Dapat marangal din tanda ng pagkilala.
Kaya nga sa ganang aki‘y mas mahalaga
Kaysa sa tropeo kahit ano pa man s‘ya
Ay isang tandang matibay na pagkilala —
Yaong hanggang ngayon tinatangkilik ka pa.
Libo mang award ay hindi makatatapat
Sa konti man ngunit patuloy na palakpak,
At kung may kikilala man sa nagaganap,
Isang medyo mahal na trophy naman dapat.
Kung may pambihirang nagawa ang sino man
At mahabang panahon pinag-uusapan,
Para na s‘yang hari — ang kanyang kamahalan!
Kaya nga trophy dapat ay may kamahalan.
Pagbibigay ng award mahirap pigilan,
Sasabihan ka pang wala kang pakialam,
Ngunit baka naman pwedeng pakiusapan —
Mahala‘t bigatan naman at ‘di kapalan.
- Latest
- Trending