Pasukan na naman! Pasukan na naman!
Back to iskul bukol tayo kaibigan,
Pero nung dati, no classes ‘pag may flood lang,
Ngayon suspended na at flu lang dahilan.
At pag iskul na ang pinag-uusapan,
May one true story akong di malimutan —
Nang minsang mapunta sa Bangkok sa Thailand
Kasama si Danee aking kaibigan.
At dahil wala si misis at kami lang,
Kaming magkumpare ay nagkayayaang
Mag-relax sa isang sosing masahehan,
Ang Baht at piso noon ay pantay lamang.
Sa pagpasok namin ay biglang bumungad
mga chicks at chicken sa iisang pugad,
ang manager pinapili kami agad
sa animo’y aquarium sa laki’t lapad.
Para bagang kami’y nag-wi-window shopping,
Lahat ay kinakaliskisan sa tingin,
At sa tagal namin kami ay napansin
Ng manager na lumapit na sa amin.
“You like students?” — ang pasok n’ya sa amin
Na nakangiti’t may malisyosong tingin,
Estudyante daw, eh di tingnan nga natin,
Sinenyasan kaming sumunod ni bossing.
At kami ay tumuloy sa isang kwarto,
Di namin malaman kung ito’y totoo,
Nandun nga’t may dalawang babae dito,
Mga batam-bata’t mukhang disi-otso.
Subalit ang kwela talaga dito —
Ang mga “estudyanteng” babaing ito:
Nakasuot ng salamin na may grado;
Nagsusulat at nagbabasa ng libro!
Ngak! ngek! ngik! ngok! nguk! ito po ay totoo,
Tunay na nangyari sa’min ng pare ko,
Subukan n’yo sa Bangkok pumunta kayo,
Problema lang — baka nag-graduate na ito!
* * *
Calling all students and shirtaholics: Joey de Leon’s Tease Shirts (The Back-to-School Collection) will be available this week in select SM Department Stores nationwide. And for the first time, ladies’ shirts will be sold as well.
* * *
Ahay naku nag-rally na naman kayo,
Basura na naman ang iniwan ninyo
At tuloy sinakayan na naman po ito
Ng ilan d’yang mga kumakandidato.
Hindi rin maganda iba-ibang grupo
‘pag nagsama-sama sa rally’ng ganito,
‘pag talumpati ng bawa’t lider nito,
Tatakas na kasi, sunod naman kayo.
Kung kayo ay talagang mga seryoso,
‘di kayo mag-iiwanan hanggang dulo,
Ang hirap kasi sa marami sa inyo,
‘pag umere na sa tv’t radyo, baboo!
* * *
Dalawang linggo’t dalawang araw na lang,
June 30 po sa taong kasalukuyan
Ang painting exhibit namin ay bubuksan —
Joey de Leon po at Igan D’Bayan
Everybody’s invited, one and every all,
Six piyem sa fourth floor ng sm Megamall,
Ang title ay Fish and Chips at Heavy Mental
Showing po ito sa Gallery Crucible.