'Mga kababayan ko. Wala na ang kaibigan ko!'
Mga kababayan ko,
Wala na ang kaibigan ko.
Wala na ang magulo
Isang ama sa walo
Magpahanggang sa dulo
Ay ayaw magpatalo
At wala na rin pilyo
Kahit kwarenta’y kwatro
Ito ay naka-korto
Mukha lang binatilyo
Wala na isang henyo
Wala na rin si gwapo
Pwede mag-inglisero
Pwede ring dilang kanto
Wala na si Idolo
May buhok man o kalbo
Dito t’yak ang sagot mo,
“Wala ‘yan sa lolo ko!”
Batanes hanggang Jolo
Maging sa buong mundo
‘la na’ng nasyonalismo
Ng ‘tol at Dabarkads ko
At nasubukan pagka-makabayan mo
Nang bigyang-pag-alala isang Sabado
At sa paglipad ng mga puting lobo
Mapa ng Pilipinas binuo nito.
Mga kababayan ko,
Nasa langit na ang kaibigan ko.
* * *
Aba’t kaarawan na naman pala bukas
Sa pagkakakita sa bansang Pilipinas
Ng mga Portuges at Kastilang may balbas
Four hundred eighty-eight years na nakakalipas.
Tayo naman ngayon magpalipas ng oras,
Maglaro ng “Ano kaya?” hanggang kumatas
Mga kuro-kuro at damdami’y lumabas,
Pagkakataon na angas ninyo’y ikaskas!
Ano nga kaya’t si Amerigo Vespucci
Ang naligaw dito’t may dalang spaghetti
O si Columbus kaya ang may delivery,
‘Di kaya kay Lapu(twice) sila’y ‘di ma-leche?
At kung ‘di naman sila sabihan ng, “bat-si!”
Patuluyin sila at maging sweetie-sweetie,
Eh ‘di ang suerte’t saya ng mga babae —
Fashionista sila; lahat made in Italy.
Kaya lang nung gera vibes natin mussolini,
At naturalmente, ang Japan ay kakampi!
at pati Germany! in short, we are family —
Kapamilya? Ngek! Pa’no na raket ng Siete?
But seriously, lahat ‘yay malabong mangyari,
Nagbibiro lang po’t ‘di tayo sure nun siempre,
Let’s take up na lang from the killing of Ka Ferdie —
Napasok ba tayo muli o nagpa-pene?
Nang mawala si Lapu-Lapu sa eksena,
Para bang nagpagahasa na tayo, ‘di ba?
Pumasok na sari-saring mga parokya —
Ni Dutch at ni Ingles at ni Edgar Hoover pa.
Kaya nga nauso salitang “sari-sari”
Dahil sa halu-halong sa ‘tin ay yumari,
Pampalamig na halo-halo ‘pag winari,
Kutsara’y tsak-tsak nang tsak-tsak na parang ari!
Alam ko’t ayan na naman ang lahing pari,
Ang inyong lingkod para bang gustong itali,
Nagpapatawa lang po nasan ang kiliti?
Ngiti! mukha kayong ‘di natabas na _ _ _ _!
Mukhang walang tinungo itong pagsusuri
Kundi sa mga dayuhan tayo’y makiri,
Dalangin ko na lamang sana manawari
Isang mayamang bansa ang sa’tiy yumari.
* * *
Here’s another verse I wrote on the day Francis Magalona died —
Francis Magalona was a dear little brother
Naughty and nice; chameleon and fox altogether
But his colorful style and smile are here no longer
The master rapper has wrapped up to meet his master.
* * *
And last Saturday (March 7) on Startalk, I closed with, “Luzon, Visayas, Mindanao … FrancisM - less na!”
Pareng Kiko, I love you. Kung may telebisyon sa langit, manuod naman kayo mamaya ng Joey’s Quirky World bago mag-S.O.P. sa Channel 7. At ‘wag mo ring kalilimutan ang Wow, Mali! ha, mamayang 6 p.m. sa TV-5.
Pare ko, bigtime ka na talaga! Dabarkads mo na ngayon sila Pareng Elvis Presley, sila Tupac, at ang isa sa idols mo, si Frank Sinatra. Pakitanong mo nga d’yan kung bading talaga si Alexander The Great at kung si Hitler nga ay supot!
- Latest
- Trending