'Fruits-titution'

Sa usapan tungkol kay Adan at Eba,

Ang inyo pong lingkod ay paiba-iba

Sa kung sino ba talaga ang nauna,

Depende po ‘yan sa paksa’t ebidens’ya.

Sa’king tagasunod inyong mapupuna

Sa usapang itlog o manok ba una

At kaliwanagan o kadiliman ba,

Ang tayo ko’y sabay na nilalang sila.

(Please refer to Me, Starzan! of Jan. 4 and Feb. 1)

Pero lahat ng ito’y ‘di makakaila,

Pag bibiro ko lamang at para sa tuwa,

Ngunit sa seryong usapan tungkol sa paksa —

Sabay nilalang! — ‘yan ang aking paniwala.

Wala naman sigurong sasalungat dito —

Na ang Dios ang pangkalahatang matalino,

Kaya siguradong hindi s’ya magte-take two

Nang tulad sa pagsumpa noon ni Barack o.

‘Yung sinabing “hinugot sa tadyang” si Eba,

‘Di ba’t mga kelot nagbuo ng Bibliya,

Baka lang nun pa man pangma-macho’y uso na

Kaya ang lalaki’y nauna at bumida.

Para naman kasing hindi tama at tumpak

Na sa unang ginawa ng Dios s’ya ay palpak

At katawan ni Adan agad ang pinapak,

Ba’t ‘di na lang naghulma sa lupang kay lawak.

Sa dami ng parte bakit napili’y tadyang,

Buhok, kuko o balat ay pwede din naman,

Medyo tagilid at malisyoso kinunan,

Mahaba’t matigas at sa may tagiliran.

At kung may paniniwala tayong lubos

Sa kauna-unahang naganap na hugot,

Hindi naman sa lingkod ninyo’y nambabastos,

Si Adan talaga ang unang may hinugot.

Hinugot ang isang malalim na hininga

Nang ang ganda ni Eba’y tumambad sa kanya,

At ang paghanga at init na ibinuga

Maliwanag na ang Dios ito ay bigay na.

* * *

Last Sunday, I gave my own version of the legend of the Mangosteen for my little friends. Today, I will give you another fruit serving and this is my interpretation of the legend of the extremely sour fruit called kamias.

The Malays call Kamias Belimbing Asam (Asam-sour) to distinguish it from the Starfruit or Belimbing Manis (Manis- sweet) to which it is closely allied. The British, during the colonial times, bestowed on this fruit its only English names — cucumber tree and tree sorrel. Bilimbi is the common name widely used in India and in the region. 

Isang Kilong Alamat ng Kamias

Sa kaharian noon ng Carambola,

Lahat ng nilalang ay pawang maganda,

Masaya si Balimbing, ang inang reyna,

Kahit s’an tingnan bituin lahat sila.

Lahat mabait may ngiti bawat isa,

Pantay ang tinginan kahit sino ka pa,

Ngunit likas yatang laging may mag-iba

At bunso pa man din ng mahal na reyna.

Si Prinsesita Bilimbina Kamiya

Mula nang isilang hindi na tumawa,

‘Di natutuwang lahat sila’y maganda,

Pangarap pa rin n’ya na s’ya ay maiba.

Gusto n’yay s’ya lang at tanging nag-iisa,

Galit na pinahayag sa kanyang ina,

Alam n’yang magagawa ito ng reyna,

Pagkat ito rin ay isang engkantada.

Subalit ang reyna’y ina ng balana

At hindi lang sa anak n’ya na suplada,

Pantay ang pagtingin sa nasasakop n’ya

Kaya buong kaharian ay mahal s’ya.

Sa hangad ng anak na si Bilimbina,

Si Reyna Balimbing pinagbigyan s’ya,

Ginamit ang kanyang pagka-engkantada,

Mahal na supling ginawang kakaiba.

Ginawang mas maliit para maiba

Dahil ‘di ngumingiti, inasiman s’ya,

Pati ngalan ni Bilimbina Kamiya

Ginawang “Kamias” — bagay daw sa kanya.

Kung papansinin lang at bibigyang-puna,

Bagong pangalang “Kamias” at mga letra,

May dalawang salitang mabubuo ka —

“Asim” at “Sakim” ang iyong makukuha.

* * *

Have you tried eating Yacon (Llacon)? Ayos! Masarap s’ya. It is refreshingly sweet and juicy. Yacon is a low-calorie root vegetable that looks like a potato and it can be eaten as a fruit. It grows underground. It has a crunchy texture and tastes like singkamas — na parang tubo (sugarcane — na parang kamoteng-kahoy — na parang apulid (water chestnut) at kung ano-ano pa. 

Actually, hindi s’ya katamisan. Left in the sun, its sweetness intensifies. The good news is that it is a natural treatment for diabetes and liver problems. Its leaves are used for hypertension. Yacon is available in some markets and supermarkets. 

I learned from Dangerous Drugs Board Chief Tito Sotto that the former marijuana plantations are now being used for growing Yacon and Mulberry. Mulberry trees have edible berry-like fruit and its leaves used as food for silkworms. Congratulations Tito and the Dangerous Drugs Board. This is for the better — in “silkness” and in health!

This is definitely a better substitution. This is good Fruits-titution.

Show comments