Taran-tula 2009

HABANG NAGKAKAPUTUKAN NUONG BAGONG TAON,

SUMASABAY NAMAN ANG PAMBIHIRANG PAG-AMBON,

ANO NAMAN KAYA ANG IBIG SABIHIN NOON?

HINDI KAYA ANG PAGBABAGO AY NAPAPANAHON?

NO BELIEVE KASI KAYO SA LINGKOD N’YONG MAKULET,

SABI NANG MAG-CHA-CHA NA’T MONARCHY ANG IPALET,

KITAMS N’YO NAMAN SI KING PACQUIAO NA ATING BEST BET,

PINANGALAN SA BUNSO N’YA AY QUEEN ELIZABETH!

CHISMIS PA NGA SA SUSUNOD NA ANAK NI PACMAN.

KAPAG BABAE ULIT, PRINCESS DIANA NAMAN,

KAYA ANG ‘PINAS GAWIN NA NATING KAHARIAN,

NO MORE TRAFFIC — PURO NAKAKABAYO NA LAMANG!

ANG MGA AWAY-AWAY MAGIGING ESPADAHAN,

NAKU, MATUTUWA TIYAK MADLANG KABAKLAAN,

ANG PAG-KONTRA SA CHA-CHA INYO NA PONG LUBAYAN,

MGA PINOY MAHILIG SA BAGONG KARANASAN.

S’YEMPRE PARA SA TUMITIRA NG MARIJUANA,

AHAHAY, MAGIGING TUNAY NA “YOUR HIGHNESS” SILA,

MALULUMA ANG WANBOL HIGH NA AKING ESKWELA,

BIDA ANG JAENA HIGH NI GRACIANO LOPEZ- JAENA!

(S’YANGA PALA, S’YANGA PALA, PALABAS PA PALA

SA SINE’NG ISKUL BUKOL NA AMING PELIKULA,

MANOOD PO KAYO, NAKUPO, ANG GANDA-GANDA!

PARA DIN KAMI’Y KUMITA, PARANG AWA N’YO NA!)

H H H

AT DAHIL NGAYO’Y SIMULA NG BAGONG TAON,

DI PAG-USAPAN NATI’Y SIMULA NG PANAHON,

ANO NGA BA TALAGA’NG NASA DAKO PA NOON —

WALA NA NAMANG MAGAWA SI JOEY DE LEON!

MERON AKONG ISANG MAGANDANG KATANUNGAN:

ANO PA ANG KAIBAHAN NI EBA AT ADAN?

MALIBAN SA LAWIT AT MALUSOG NA SUSUHAN,

SIGURADONG HINDI N’YO PA ITO NALALAMAN.

AKING IPAGYAYABANG ANG AKING NATUKLASAN —

LIWANAG SI LALAKI , ANG ISA’Y DILIM NAMAN,

SIGE TUKLASIN N’YO, AKIN KAYONG BABALIKAN

SA BANDANG HULI MATAPOS ANG MGA KWENTUHAN.

         

First, here’s a leftover of last year’s “entertaining errors” on Eat, Bulaga!’s Q&A portion of Itaktak Mo O Tatakbo —

HOST: Anong “P” na two words ang isang pagkaing Pinoy na kinakain natin tuwing Pasko?

CONTESTANT: PAKSIW!

(Anak ng puto bumbong! Pasko... paksiw?)

* * *

While walking around Elements Mall in Kowloon last week, my son Jako suddenly quipped, as we came across the Shu Uemura shop, “’Yan Daddy ang tinanggap na regalo ni George Bush this Christmas.”

“Make-up?” (S’yempre, nakipag-lokohan ako)

Ang sagot ng magaling kong anak: “Hindi … binato s’ya ng SHU, pina-UE at pinagmu-MURA!”

Kanino pa ba ‘yan magmamana?

* * *

AHAY, ETO NA NGAYON ANG INYONG KASAGUTAN

SA TANONG KO NA KAIBAHAN NG MAN AT WOMAN,

BAKIT NGA BA ANG LALAKI AY “DAY” O “ARAW”,

SI BABAE NAMAN ANG “NIGHT” O “KADILIMAN”?

SI ADAM AT EVE MAHAL NATING MGA MAGULANG,

SI EVE ANG NIGHT AT ETO ANG KAPALIWANAGAN —

GABI O “EVE” — NING NGALAN N’YA ANG PINANGGALINGAN

AT SINO NAMAN BA ANG MAY “A.M.” SA PANGALAN?

PERO MERON PANG ISANG PROBLEMANG KATANUNGAN — SINO BA TALAGA NAUNA: EBA O ADAN?

HINDI NAMAN SA BIBLIA’Y HINDI IGINAGALANG,

MARAMI PANG TANONG KASI ANG PANANAGUTAN

KASI SABI SA AKLAT UNA AY KADILIMAN,

KUNG GABI NGA MGA CHICKS, PAANO NA ‘YAN?

BAKIT DIN MADALAS DIWATA’Y PINAGBIBIGYAN?

“LADIES FIRST” PALAGI — ANO MASASABI N’YO D’YAN?

MERON PA RING PAGDUDUDA KUNG ITLOG O MANOK,

ALIN BA ANG NAUNA: PAGKABUGOK O TILAOK?

ISA PA ‘TONG DAPAT BIGYAN NG PANSIN AT TUTOK,

SA PAHAYAG KONG ITO, SA PARI AKO’Y LAGOT.

KASI NGA PO KUNG NAUNA TALAGA SI ADAN,

AT SI EBA NGA DAW AY HINUGOT LANG SA TADYANG;

NALUMBAY SI ADAN KAYA KASAMA’Y BINIGYAN,

SA TALINO NG DIOS DAPAT ITO’Y AGAD ALAM,

KAYA SA TINGIN KO LANG PO MGA KAIBIGAN,

SABAY SI ADAM AND EVE; ANG DAY AND NIGHT NILALANG,

KASABAY ANG ITLOG AT MANOK NA KATANUNGAN —

ANG MANOK AY ‘YUNG KAY EBA AT ITLOG NI ADAN!

HOY, HOY, HOY, ALAM KONG IBA D’YAY NABABADUYAN,

PWEDE BA, ANG MGA NGITI N’YOY ‘WAG PIPIGILAN,

I AM SURE PATAGO N’YONG PINANGHIHINAYANGAN

KUNG BAKIT HINDI KAYO ANG NAKAISIP N’YAN.

KUNG BANAL NA AKLAT PALA ANG PAGBABASEHAN,

UNANG HAYOP PALA’Y ANG SAWA SA HALAMANAN,

AT ANG UNANG PRUTAS SA PUNO NG KARUNUNGAN

AY MANSANAS NA PINAGMULAN NG KASALANAN.

AT DAHIL D’YAN, WARING NAGING BASTOS ANG USAPAN,

MARUMING ISIP SUMISIMBOLO NG KALASWAAN,

ANG MANSANAS NAGING ANG MAPUPULANG SUSUHAN,

AT ANG AHAS MULING NAGING “SANDATA” NI ADAN!

Show comments