Taran — Tula
(TULA PARA SA ILANG TARANTADONG OVER-ACTING AT OVER-REACTING SA RESULTA NG NAKARAANG US ELECTIONS)
I
NATAPOS DIN AT LAST BOTOHAN NG KANO
AT SI BARACK OBAMA NGA ANG NAUPO,
HALALAN SA ‘PINAS NAKU PO ANG LAYO,
DUO’Y SANDALI LANG AT NABILANG NA PO.
II
MAGKATUNGGALI PERO PAG MAY NANALO,
BATI-BATI AGAD AT WALA NANG GULO;
SATI’Y IBANG KLASE MGA PULITIKO,
LAGING “NADAYA” DAW KAPAG NATATALO.
III
NGAYON ‘MERKANO MAY PRESIDENTENG NEGRO,
MERON KAYANG ILANG MGA PAGBABAGO,
AT KABADO RIN DAW ANG ILANG EWAN KO —
ANG WHITE HOUSE DAW BAKA GAWING BLACK HOUSE ITO!
IV
MARAMING ITIM INANGKIN NA NANG TODO
SI OBAMA NA BARAKO NILANG BAGO,
ATING ITUWID AT ILAGAY SA ULO,
SA TOTOO LANG: BLACK AND WHITE PA RIN ITO.
V
AT SANA’Y ANG “CHANGE” NA MINIMITHI NINYO
AY DI LANG “BARYA” ANG KAHULUGAN NITO;
AT SA EGOY OKAY NA RING PAGBABAGO —
FROM “CHAINS” TO “CHANGE”... KAYA EMOTIONAL KAYO.
VI
PERO SIGURO DI N’YO NAISIP ITO —
KUNG HINDI PACKAGE DEAL ANG ELEKSYO’NG ITO,
POSIBLENG ANG COMBINATION AY GANITO —
VEEP FROM ALASKA AT PREXY HAWAYANO.
VII
AT NGAYONG NANGYARI NA ANG GANITO,
ANO’NG SA DAKO PA ROON SA TINGIN N’YO?
PWEDE NANG PRESIDENT ISANG PILIPINO... IF THAT HAPPENS, BACK TO TWO MONTHS RESULTS NITO.
VIII
AT ALAM N’YO NAMAN SIGURO ANG TAO,
BUNTIS AT NANGANAK; KANO’T PILIPINO,
PANGALANG “BARACK” SA ANAK NAGKAGULO,
NALIMUTANG “BAROK” MATAGAL NANG USO.
IX
MAGANDA KUNG TSINOY KA’T APELYIDO’Y “CO”,
ANAK MONG KELOT MAGTUTUNOG BARAKO,
PAANO NGAYON KUNG “CUDA” APELYIDO,
THEREFORE, “BARACK CUDA” ANG NAME NG ANAK MO!
H H H
At narito na ang ilang mga kahayupan ni Starzan sa ZOO COOL BUKOL...
Watch tonight’s Mel & Joey’s Singapore Special. At malapit na! Isang buwang tulog na lang at ISKUL BUKOL’S GRAND REUNION na! Gumising-gising naman kayo paminsan-minsan. ‘Wag n’yo namang career-rin.
BREAKING NEWS — meaning, news about “breaking” a promise — our promise to the guest stars of our BALAKUBAK (Balita at Kwentong Bakla) portion on Nuts Entertainment every Saturday evening on GMA 7: Not to reveal the contents of our bulungan wherein we ask them very personal and “unairable” questions and to keep it secret just within our circle of five (Lollipop, Popsicle, Doughnut, Cookie and Bellie), will at last be exposed. Yes, due to pressuring clamor of our millions of fans and viewers who are intrigued to the max, we are finally letting everyone hear the “question and answer bulongs” for the very first time. So watch for it and be shocked beginning Nov. 22.
Joskoday, BULGARAN NA NG BULONG!