Startoons

“Taran-tula”

(Tula para sa mga tarantadong iwas nang iwas sa pagkanta, at kung anu-ano pa, gayong kaya naman nila kahit papaano.)

I

ASAR! BWISIT! AKO’Y INIS AT NAG-IINIT

SA MGA TAONG SA PAGKANTA’Y PINIPILIT...

KADALASAN PA KANYANG IPINANGHIHIRIT —

DI RAW S’YA MARUNONG AT HINDI UMAAWIT.

II

KALOKOHAN ITO’T WALANG KATOTOHANAN,

BASTA’T MAY TINIG, LAHAT MAY KAPANGYARIHAN

MAGBIGAY NG AWIT KAHIT DI KAGANDAHAN;

ANG ATING GALING AY IBA-IBA NGA LAMANG.

III

LAHAT NG BAGAY NA ATING GINAGALAWAN

BASTA’T MAYROON TAYONG BAHAGI NG KATAWAN

NA KAKAILANGANIN AT PAGGAGAMITAN,

T’YAK MAGAGAWA KAHIT ANO’NG KAHINATNAN.

IV

KUNG IKAW AY PIPI, YUN LANG ANG DAHILAN

PARA IYONG SABIHIN AT ‘YONG IKATWIRAN

NA SA AWIT MO DI KAMI MAPAGBIBIGYAN;

PWEDE NA RIN KUNG ANG HININGA MO’Y MASANGSANG.

V

GANON DIN SA PAG-DRAWING MGA KAIBIGAN...

HUWAG MONG SABIHIN WALA KANG NALALAMAN;

HANGGA’T SA MGA KAMAY MO’Y MAY PAKIRAMDAM,

MAKAKAGUHIT KA’T MAKAPAGLALARAWAN.

VI

BASTA INYO LAMANG PAKATANDAAN —

HANGGANG SA KATAWAN MO’Y HINDI KULANG-KULANG

AT WALA KA NAMAN TALAGANG KAPANSANAN,

MAKAKAYA’T MAGAGAWA KAHIT ANO MAN.

VII

KAYA SA ARAW NA ITO’Y AKING TINIPON

ILANG DABARKADS KONG BIDA SA TELEBISYON

PARA MAGPAKITANG-GILAS SA PAG-KA-CARTOON

AT ITO PO’Y PAMBIHIRANG PAGKAKATAON.

* * *

WRITER: Joey De Leon

Guest Illustrators: Allan K., Julia Clarette, Paolo Ballesteros, Daiana Menezes And Michael V.

Watch out for more Startoons for “Zoo Cool Bukol” in this column. I’m celebrating my birthday on Tuesday, Oct. 14, but tonight, watch my wacky advanced birthday celebration on our Sunday show, Mel & Joey. Ma-sa-shock kayo sa mga surprises nila sa akin!

HAPPY BIRTHDAY TO ME!!!

Show comments