Coming Soon: Iskul Bukol (20 Years After)
Narito naman ang isang Breaking News kiddies:
Oh my juice! Nag-start nang mag-shooting for the movies Ang “school-iosis” sa TV n’yo noong eighties —
Iskul Bukol (20 Years After), Yes! Yes, it is!
So start spreading the news aming mga ka-kulto,
Mga Escalera ay muling sasainyo,
Sa yaman, sa yabang, at sa porma mas todo
Ops, dehins na angal baka bilhin kayo!
Siempre ang barkada hindi makukumpleto
Kung wala si Professor Ungassis, Victorio,
At para masagad na po lalo ang gulo,
Eskwelang-kwelang Wanbol, lahat ay narito!
Iskul Bukol nag-reunion para sa inyo,
December, sa Filmfest, magkita-kita tayo.
For sure, Miss Tapia sira na naman ang ulo,
Oks lang ‘yan kay Joey, konting romansa lang ‘to!
Twenty years after, so marami nang nabago,
As a matter of fact, silang tatlo na’y b’yudo,
Pero may mga anak Escalera duo —
Mga anak kay Mercy at Patti’ng a-go-go!
Do you still remember A-go-go Banana?
D’yan na nga mismo nakilala ng dalawa
Si Mercy at Patti na mga baylarina,
D’yan na nga Escalera nag-Magna at Summa!
Miss Mercy Taga was Tito’s favorite dancer,
They were always holding hands whenever together.
Kaya pala hawak-hawak ng Joey’s brother
Mga kamay ni Mercy, so she could not order!
At si Patti Pulupot na best friend ni Mercy
Laging naka-pulupot natural kay Joey,
Pero nang ang two girls biglang nag-Japayuki,
Doon na nga nag-ending kanilang love story!
Kung bakit yumaman ang mga Escalera,
Siempre naman ay utak ang ginamit nila,
Sila’y nag-asawa ng mayayamang lola,
At hindi nga nagtagal, sila’y may minana!
Para malaman kabuuan ng istorya,
Kung anong nangyari sa muling pagkikita
Ng mga estudyante ng eskwelang kwela,
Tayo’y magkita-kita sa mga takilya!
* * *
Sa pagkakaalam natin sa mga datos,
Sino ang batid n’yong may maraming sapatos?
‘Di ba’t ang sagot n’yo agad si Imelda Marcos?
May museo pa nga ang libu-libo n’yang shoes.
Siempre’y may pantapat naman mga hikahos,
‘Yun bang suelas at takong ay halos maubos,
Sino naman daw pinaka-konti sapatos?
Sirit na you? Sino pa, de si Confucius!
Kailangan pa bang i-explain ko mga boss
Kung bakit si Confucius konti lang sapatos,
Hindi naman po sa gusto ko na mambastos,
Kasi nga po Confucius — O, eh di CON-FEW-SHOES!
Alam kong ang iba’y gusto ‘kong sapatusin
‘Wag naman kapatid pagkat ‘yay masakit din,
Nabanggit ko lang ang Tsinong ‘yan na magaling
‘Cause today’s his birthday, atin s’yang dakilain.
Kaya a very happy birthday Mang Confucius,
Pero isang tanong na lang para malubos —
Totoo bang one pair lang ang iyong sapatos,
At ang tawag mo nga daw dito ay KUNG FU SHOES?!
Yes, today is the birthday of Confucius, the social philosopher who made famous the Golden Rule and one of my favorite quotations — “Choose a job you love and you will never have to work a day in your life.”
To those who love their jobs, congratulations!
And to those who hate their jobs, find another saying!
* * *
Speaking of “congratulations,” I would like to congratulate The Philippine Star for being the most widely read newspaper in Metro Manila in a recent survey by Nielsen Media Research.
Naku, nakakahiya naman... kapapasok ko pa naman dito, baka ako ang mapagbintangan. Pasensiya na po... tao lamang. Ano sa tingin n’yo mga Ka-Wanbol ko?
But wait, there’s more — tutal nabanggit ko na ulit ang “Wanbol,” siguro nagtataka kayo kung bakit iyon ang ipinangalan namin sa school namin sa Iskul Bukol?
And since puro “CON” ang topics natin ngayon (Confucius and Congratulations), not to mention the Con-artistry of the Escalera brothers, dagdagan na natin ng isa pang “CON” — Confession — Iko-confess ko na sa inyo ang isang sikreto!
Did you know that many of the names in Iskul Bukol were taken from terms in the Chinese game of Mahjong? Here are a few examples:
ESCALERA (“in order” or “in sequence”) — the family name of Joey and Tito.
WANBOL (from “one ball”) — the name of our university.
KANG (“four of a kind”) — the family name of Helen, a former girlfriend of Tito Escalera.
FLORES (“flowers”) — the family name of Kaye Torres’ character.
And there were also other characters in the show using family names or nicknames like: PAO, CHOW, PUNG, etc.
Why Mahjong? Because we, especially Tito and this writer, simply believe that: “Hanggat may Mahjong, may Escalera!”
And why use Mahjong in a sitcom about school? Because FLUSHES (tiles of the same suit) sounds like CLASSES!
CLASS DISMISSED!
Teka nga pala, bakit hindi natin tapusin ito ng isa pang quotation, not from Confucius but from Aling Zeny — isang naka-mahjong ko nuong araw nang nag-uumpisa pa lang akong matutong maglaro.
“TO DIE IS TO REST, BUT TO PLAY MAHJONG IS THE BEST!” — Aling Zeny.
- Latest
- Trending