A tribute to mom, the greatest teacher
September 18, 2001 | 12:00am
Two Mondays ago, Funfare was invited to witness the simple awarding ceremonies of the Sino ang Mila sa Buhay Ko The Greatest Teacher In My Life nationwide essay-writing contest launched by Star Cinema as part of the promo for the Maricel Soriano starrer Mila (about a teacher). The awarding was held at the Eugenio Lopez Building adjacent to the ABS-CBN Studios and it turned out to be a "crying" afternoon because those present (this one included) couldnt help but be moved by the outpouring of emotion "for mama" in three of the four winning pieces (the fourth was about a school janitress).
The winners received cash and certi-ficates from Star Cinema and gift packs from ABS-CBN Foundation, ABS-CBN Consumer Products, Star Records and ABS-CBN Publishing. The distinguished jury who selected the winners include singer and youth role model Cris Villonco, noted scriptwriter Ricky Lee, AKBAYAN representative Etta Rosales, Ateneo de Manila University Filipino Department Chair Benilda Santos, and Tammy Bejerano, Star Cinema Senior Creative Manager.
The essays made us cry, I guess, because they could have been heart-felt tributes you and I, or any-one of us, would write for your or my mama who is not only the worlds greatest teacher but also the best and most loyal and most faithful and everlasting friend any person can ever expect to have.
The four winners were Ryan Ocio (Elementary Category), a 12-year-old Grade 6 student from Don Bosco Technology Center (Punta Princesa, Cebu City); Christine Diwa (High School Category), a 15-year-old student at St. Marys College; Aubrey L. Razo (College Category), 17, freshman at the Philippine Normal College; and Mary Grace C. Panganiban (Professional Category), 22, a teacher.
Funfare is printing in full Razos piece entitled Si Mama because, among the four winning entries, it was the one that moved me the most, with the thoughts and feelings and incidents narrated in it ringing with poignant familiarity.
Here it is:
Si Mama
Madalas umiral ang pagka-sutil ko. Ayan na naman. Ito kasing "cell" ko, hindi ba naman nag-alarm, may exam pa naman ako sa unang subject ko. Puede naman kasi akong gisingin, eh. Dalawang buwan na akong pumapasok, hanggang ngayon hindi pa kabisado ang schedule ko. Puede naman kasi ako gisingin, eh.
Habang nasa biyahe ewan ko ba at saka ko naiisip ang taong lagi kong binubuntunan ng sisi. Si Mama. Minsan kelangan ko pang mapagmasdan ang bawat mag-ina, magkasintahan, o mag-aaral na gaya ko upang makita ko ang aking sarili at ang aking mga kahinaan. Haay, traffic! Nagtakip ako ng ilong, may tumabi kasi saking estudyanteng amoy-higaan. Si Mama. Muli kong naisip si Mama. Ayaw na ayaw niya na may maamoy siya kahit kaunting amoy-pawis kahit isa man sa aming mga anak niya. Mantakin niyo naman ang uniform naming, may babad na, may kula pa, puting-puti at unat na unat ang gusto ni Mama. Para kaming espasol kung paliguan niya ng pulbos sa katawan para raw presko kami.
Ooopps, teka, magbabayad na nga muna ako habang nakatigil itong jeep. Grabe! Si Mama. Tinipid na naman ako. Ngayon ko lang nakita itong baon ko dahil sa pagmamadali. Si Mama kasi yung tipong hindi kami sinanay humawak ng sobra-sobrang pera. Ayaw niya kasing maparalisa kami kung wala o kaunti lamang ang aming pera. Naranasan na raw naming maghikahos nuong magkasakit siya ng "hypokalemia" o pagkalumpo ay doon daw namin dapat matutunan ang halaga ng bawat sentimo sa mga ganoong kagipitan.
May sumakay na mag-ina na ang bata ay mukhang pre-school. Naalala ko ang aking bunsong kapatid na babae. Sa edad anim, makailang beses na siyang lumahok sa ibat-ibang paligsahan, pagkanta, pagguhit, pagtula, pagsayaw, timpalak-kagandahan at kung anu-ano pa. Si Mama. Siya ang nasa likod ng mumunting tagumpay na maagang tinatamasa ng aking kapatid. Parang ako noon, parati kong naririnig sa kanya "kaya mo yan, magaling ka" at kinasanayan ko nang dalhin sa aking paglaki. Binuklat ko ang aking notebook, upang maibsan ang ngayoy umiinit ng ulo ko dahil sa mabagal na pag-usad ng jeep na aking sinasakyan, napansin ko ang ginawa kong essay sa English puro ba naman "corrections" at nilapis pa! Si Mama. Tulog na siguro ako at nabasa niya siguro ang ginawa ko at sadyang iniwasto na lamang iyon.
Hay! Ang proofreader ng buhay ko. May gumitgit sa akin na isang matabang babae na humahalimuyak sa pabango. Napangisi ako. Kasing-taba ni Mama, ngunit napansin ko ang malaking pagkakaiba sa kanilang katauhan at kaanyuan. Mamahalin at magaganda ang kanyang mga gamit mula sa kanyang damit, sapatos, bag, at mga borloloy. Si Mama. Siya na yata ang pinaka-simple sa lahat ng inang nakilala ko. Kahit noong nasa abroad ang aking ama at dolyar ang kanyang tinatanggap, nanatili siya sa kanyang simpleng anyo. Mumurahing damit, sandalyas, at ni walang alahas. Malapit na akong bumaba pero ano ba itong nararamdaman ko? Namimiss ko si Mama. Parang gusto ko siyang yakapin.
Sa halos dalawang oras kong pagkakaupo sa jeep, siya ang aking iniisip. Guilty lang siguro ako dahil hindi ko siya kinibo kanina at ni hindi ko tinikman ang pancake na ginawa niya. Hindi niya kasi ako ginising eh. Pero mukhang may naituro na naman siya sa akin sa puntong ito. Disiplinahin ko raw ang mga mata ko sa tamang oras o kinakailangang oras ng gising at huwag umasang gigisingin pa ng iba. Paano raw ako kung wala na siya?
Kung mawawala siya, iyon ang hindi ko yata makakaya at sadyang hindi ko kakayanin. Si Mama. Siya ang ilaw ng aming tahanan, tanglaw sa bawat madilim na ulap na pilit tumatakip sa bawat isa sa amin. Siya ang aking dakilang guro, pumapatnubay at gumagabay sa aking bawat galaw, humihikayat sa aking bawat pagsuko, nagtutulak sa aking bawat pag-atras.
Siya ang naghihinang sa aking kalaskalas na desisyon at pumupurol na kaisipan, nagpapatawad sa aking bawat kahinaan at kamalian at higit sa lahat nagpaparaya para sa aking kapakanan. Si Mama. Siya ang pinakadakilang bayani sa aking buhay. Salamat at natanaw ko na ang school ko.
Shucks! Dalawang subjects pala ang hindi ko napasukan. Ito kasing cell ko hindi ba naman nag-alarm. Puede naman kasi akong gisingin, eh!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended