Ayaw pa rin paligawan
Dear Dr. Love,
Noong teenager pa ako, pinagsasabihan lagi ako ng aking tatay na bata pa ako at huwag munang tatanggap ng manliligaw. Solong anak ako ni itay sa ina ko na namatay habang isinisilang ako. Seven years old na ako nang magkaroon ng girlfriend si tatay.
Nag-asawa siyang muli at nakatapos na ako ng kursong accountancy pero pinagbabawalan pa rin akong tumanggap ng manliligaw.
Kahit ang stepmother ko ay sinabihan si tatay na bigyan niya ako ng layang maligawan dahil 24 anyos na ako pero ayaw pa rin niya. Ano ang gagawin ko?
Remy
Dear Remy,
Nasa hustong edad ka na at hindi na dapat pigilin ng magulang mo kung may manligaw sa iyo. Ipagmatigasan mo sa kanya ang iyong karapatan. Pero tandaan na tatay mo pa rin siya kaya dapat mapanatili ang respeto sa kanya.
Sa ganyang pagkakataon, hindi pagkakasala ang sumuway sa magulang.
Dr. Love
- Latest