^

Dr. Love

Girlfriend o best friend?

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Dear Dr. Love,

Mula sa kindergarten ay friends na kami ni Thea. Umabot hanggang high school at college ang pagkakaibigan namin.

Pero ni minsan, hindi sumagi sa isipan namin na magliligawan. 

Pareho pa kami ng kursong kinuha sa isang pamantasan at magkaklase sa ilang subjects. Nauna siyang magka-boyfriend bago ko nakilala ang babaeng naging girlfriend ko.

To cut the story short, nakatapos kami ng kursong dentistry hanggang magpasya kami ng girlfriend ko na magpakasal. 

Nang sabihin ko ang balak kong mag-asawa, humagulgol ng iyak si Thea. Ang sabi niya, ako ang mahal niya at wala na sila ng boyfriend niya. 

Sa sinabi niyang yaon, na-realize ko na mahal ko rin si Thea pero mahal ko rin ang girlfriend ko.

Ano ang gagawin ko?

Chino

Dear Chino,

Ikaw lamang ang makakapagdesisyon niyan. Hindi puwedeng pakasalan ang dalawang babae.

Kaya pag-isipan mong maigi kung sino sa kanila ang mas matimbang sa puso mo. Kung pipiliin mo ang best friend mo, lubhang masasaktan ang kasintahan mo at gayundin ang mangyayari sa best friend mo kung hindi mo siya pipiliin.

Walang ibang tao ang makapagpapasya sa gagawin mong pagpili kundi ikaw lamang.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with