^

Dr. Love

Hinagpis ng palikero

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Dear Dr. Love,

Sana ay ma-accomodate mo ang sulat kong ito. Tawagin mo na lang akong Lauro, 28 anyos at binata. Noong araw, I considered myself as not the marrying kind.

Ang tawag ng iba sa akin ay playboy o mapaglaro sa pag-ibig.  Marami rin akong nabibighaning babae at kapag natikman ko na minsan ay iniiwanan ko na. Hindi pa ako nakatikim ng kabiguan.

Bukod sa guwapo, mayaman kasi ako dahil real estate broker ang gawain ko.

Minsan, may nakilala akong babae na hindi naman masyadong maganda pero parang for the first time ay tumibok ang puso ko.

Akala ko, makukuha ko siya sa pa-charming at matatamis na salita. Hindi pala dahil kakaiba siya.

Kaya pormal ko na siyang niligawan. Lumipas ang apat na buwan at pinrangka niya ako. Wala siyang gusto sa akin at purely business lang daw dapat ang relasyon namin.

Nasaktan ang pride ko at nagpursige pa rin ako sa panliligaw. Wala pa ring nangyari. Ano ang dapat kong gawin?

Lauro

Dear Lauro,

Sumobra ang yabang at self-confidence mo at inakalang lahat ng babae ay kaya mong bingwitin. Magsilbi sanang aral sa iyo iyan.

Huwag mong ipilit ang sarili mo sa babaeng ayaw sa iyo. Siguro nakaabot sa kanya ang reputasyon mong playboy kaya inayawan ka niya.

Maghanap ka na ng iba at sana, huwag mo nang paglaruan kundi seryosohin ang matatagpuan mong babae.

Dr. Love

LAURO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with