First love never die
Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Reca, 27 anyos at may asawa. Noong first year high school ako, nagkaroon ako ng boyfriend. Siya ang first love ko.
May kasabihan na first love never die. Naniniwala ka ba rito? Lumipat ng bahay ang pamilya ng una kong boyfriend at mula noon ay hindi na kami nagkita.
Pagkalipas ng dalawang taon ay nag-asawa na ako at ngayo’y tatlo na ang anak namin. Maligaya naman ang pamilya ko.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, du-malaw ang ex-boyfriend ko sa mga kaanak niya sa kanilang dating bahay.
Nagkita kami at inimbitahan niya akong kumain sa isang fastfood na malapit sa amin.
Masaya naming inalala ang mga panahon noong kami’y magsiyota pa.
Naramdaman namin na mahal pa namin ang bawat isa.
Natutukso akong makipagbalikan pero paano ang asawa ko at mga anak?
Pagpayuhan mo ako.
Reca
Dear Reca,
Tukso lang iyan at huwag kang bibi-gay. May asawa ka at anak, sila ang paha-lagahan mo.
Huwag ka na sanang makipagkita pa sa dati mong nobyo para hindi na kayo matukso.
Isipin mo na lang ang kinabukasan ng inyong mga anak na masisira kung ikaw ay matutukso.
Dr. Love
- Latest