^

Dr. Love

Apat na beses nabiyuda

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Dear Dr. Love,

Ako po si Susie, 43 anyos at mula nang ako’y mag-asawa sa edad na 19 ay apat na beses na akong nabiyuda. Ang first husband ko ay namatay sa aksidente sa motorsiklo matapos lang ang isang taong pagsasama namin. Hindi kami nagkaroon ng anak. Ang pangalawa kong asawa ay namatay naman sa atake sa puso habang nakikipag-inuman. Nag-asawa akong muli pero sa gabi ng aming honeymoon ay nadulas siya sa hagdanan ng hotel at namatay.

Kahit may pangamba na ako sa muling pag-aasawa ay nagpakasal uli ako sa aking manliligaw at nagsama kami ng three years. Nagkaroon ako ng anak na babae. Akala ko ay lalawig na ang pagsasama namin pero nagkaroon siya ng cancer at namatay.

Natatakot na akong mag-asawa uli. May nunal ako malapit sa daanan ng luha at ang sabi ng matatanda, signos daw ito na lagi akong mabubiyuda. Totoo po ba ito?

Susie

Dear Susie,

Hindi ako naniniwala sa pamahiin pero sobra naman ang coincidence na agad namamatay ang iyong mga napapangasawa. Kung kaya mong tiisin ang pagiging single, huwag ka na lang mag-asawa.  Tutal may anak ka, sa kanya mo na lang ibaling ang pagmamahal mo.

Dr. Love

SUSIE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with