^

Dr. Love

Nag-asawa ng napakatanda

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Dear Dr. Love,

Matanda ng 21 na taon sa akin ang mister ko. Siya ay 79 years old na at may alzheimers disease.  

Tawagin mo na lang akong Hermina. Iisa lang ang aming anak. 

Noong nanliligaw pa sa akin si Nicasio, tutol ang pamilya ko dahil sa malaking agwat ng aming edad. Pero komo nasa edad na kami noon, hindi kami napigilang magpakasal.

Ngayon, madalas maglayas ang mister ko at hindi na nakakakilala. Mabuti na lang at may nagmamalasakit maghatid sa kanya sa bahay namin. 

Nagtatrabaho pa ako at hindi ko kayang bantayan siya ng 24/7.

Sinisisi ako ng aking mga kapatid kung bakit nag-asawa ako ng napakatanda. 

Ano ang gagawin ko?

Herminia

Dear Herminia,

Wala namang masama sa pag-aasawa ng isang mas nakatatanda. Kaso, nagkaroon ng consequence na hindi mo inaasahan. Asawa mo siya kaya hindi mo na siya maaaring talikuran.

Dapat siguro, kung kaya ng budget mo maaaring kumuha ka ng katulong na magbabantay at tututok sa kanya sa araw-araw. Mahirap kasi at baka dumating ang araw na hindi mo na siya matagpuan.

Sana, tumigil na rin ang mga kaanak mo sa kasisisi sa iyo. Dahil hindi naman makakatulong sa’yo sa kahit na anong anggulo ang paninisi nila. Kaya mas mainam na tantanan na lang nila ang mga negatibong salita tungkol sa kalagayan mo. 

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with