Nabighani sa ganda
Dear Dr. Love,
Napakaganda ng misis ko. Katamtaman ang taas, maputi at balingkinitan ang katawan. Perfect na sana siya pero mahilig sa barkada.
Isang taon na kaming kasal at wala pang anak.
Noong first anniversary namin, pagdating ko mula sa trabaho ay balak kong sorpresahin siya.
Ilalabas ko sana siya pero wala siya sa bahay.
Mas madalas ang pakikipag-good time niya sa tropa niya kaysa inilalagi sa bahay. Laging ang inaabutan ko ay ang dalawa naming kasambahay. Madalas din na langong-lango siya sa kalasingan.
Minsan ko na siyang winarningan na hihiwalayan at nangakong magbabago na pero wala pang isang buwan ay balik sa dating gawi.
Ang pangamba ko ay baka pinipindeho na niya ako. Ano ang dapat kong gawin?
Mauris
Dear Mauris,
Bigyan mo pa siya ng chance na magbago at kung paulit-ulit niyang gagawin ang labis na good time, ikaw na ang magpasya kung pakikisamahan mo pa siya sa kabila ng lahat.
Palagay ko, legal ground ang ginagawa ng asawa mo para sa marital annulment. Aral iyan sa lahat, babae man o lalaki. Huwag gawing batayan sa pagpili ng lifetime partner ang panlabas na ganda kundi ang ugali.
Baliktad ang situwasyon mo sa iba. Usually, lalaki ang inirereklamo ng mi-sis na may ganyang ugali.
Mabuti na lang at wala kayong anak dahil sa ugali ng asawa mo, anak ang magdurusa.
Dr. Love
- Latest