^

Dr. Love

Sumira sa sumpaan

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nang buhay pa ang mister ko, lagi niya akong binibiro na kung mag-aasawa akong muli ‘pag namatay siya ay mumultuhin niya ako.

Kahit alam kong biro, sumumpa ako na ‘di na ako mag-aasawa kung mawawala siya.

Namatay siya two years ago at nag-asawa ako uli matapos magbabang-luksa.

Limang buwan na akong kasal sa pa-ngalawa kong mister at hindi ko na naalala ang sinira kong pangako.

Hanggang minsang nagtatalik kami ng bago kong asawa, nakaramdam ako na may humila sa aking binti.

Napasigaw ako at naudlot ang aming pagniniig.

Tatlong ulit nang nangyayari ‘yon at hindi ko naman puwedeng tanggihan ang obligasyon ko bilang asawa.

Ano gagawin ko?

Melba

Dear Melba,

Sa mata ng tao at ng Diyos, wala kang pagkakasala kung mag-asawa kang muli dahil biyuda ka na.

Kung may nanliligalig sa iyo, pihong hindi ito ang kaluluwa ng asawa mong namatay kundi isang mapanlinlang na espiritu.

Sa ngalan ng Panginoong Jesus, magkasama kayong manalangin ng iyong mister para maitaboy ang masamang espi-ritu na bumabagabag sa inyo.

Dr. Love

DIYOS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->