Mapamahiin ang asawa
Dear Dr. Love,
Sampung taon na kaming kasal at nagsasama ni Rose. Noong una, pinagbibigyan ko siya sa paniniwala niya na huwag lalabas kung Friday the 13th dahil malas. Bukod diyan ay marami pa siyang mga superstition gaya ng hindi pagsusuot ng ganito o ganung kulay kaya pati ang pagbibihis ko ay pinakikialaman niya.
Pero mula nang ako’y makakilala sa Pa-nginoon, hindi ko na siya kayang kunsintihin. Nagalit pa siya sa akin nung una dahil hindi na ako sumama sa kanya sa pagsisimba sa Katoliko.
Deboto pa siya ng black nazarene at hindi ko siya maawat sa mali niyang paniniwala.
Mahigit isang taon na akong born again at ang conversion ko ang naging dahilan ng aming madalas na pag-aaway. Ano ang dapat kong gawin?
Ayaw kong masira ang aming relasyon dahil sa relihiyon.
Agot
Dear Agot,
Ang pinaka-epek-tibong paraan para makumbinsi mo siyang ikaw ang nasa tama ay ang pagbabago ng iyong ugali.
Huwag kang maging marahas sa pagsalansan sa kanya kundi ipakita mo na ang pananampalataya mo ay tunay at buhay.
Maging lalo kang mapagmahal sa kanya.
Hindi wastong paraan na ipamukha sa kanya na mali ang pinaniniwalaan niya. Higit sa lahat, taimtim mo siyang ipanala-ngin.
May pangako ang Diyos na kung isa sa sambahayan ay tumanggap kay Jesus, Diyos ang kikilos upang mailigtas ang iba na ‘di pa nakakakilala.
Dr. Love
- Latest