Maling akala
Dear Dr. Love,
Ako si Sean. May na-meet ako, ‘yung ka-chat ko sa fb messenger.
Ang akala ko, dalaga siya na nasa 23 years old lang dahil ang ganda ng kanyang mga pictures at sa profile picture niya ako nabighani. Ang sabi niya lang sa akin, baka mabigla ako dahil may edad na siya.
Totoo nga, hindi na siya kagandahan tulad ng inaasahan ko. Nag-meet up kasi kami sa isang mall. Hindi ko inaakalang nasa 40 years old na siya, maganda pa rin naman pero mas bata ako sa kanya.
Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang pagiging close namin o hindi na.
Sean
Dear Sean,
Mukhang nagkaroon ng malaking agwat sa inaasahan mo, sa reyalidad, lalo na sa edad niya.
Gayunpaman, mahalagang tanungin mo ang iyong sarili mo kung ano talaga ang dahilan kung bakit mo siya gustong maging close.
Kung ang habol mo lang ay ang itsura o edad niya, maaaring hindi na ito magtuloy dahil hindi tumugma sa inaasahan mo.
Kung nagustuhan mo siya bilang tao at komportable kang kausap siya, maaa-ring may halaga pa rin ang inyong pagkakaibigan o anumang relasyon na maaaring mabuo.
Kung may nararamdaman ka pa ring pag-aalinlangan, huwag kang magmadali.
Bigyan mo muna ng panahon ang sarili na mag-isip kung ano talaga ang gusto mo sa kanya—kaibigan lang ba o higit pa.
Walang masama sa pagkakaibigan kahit may agwat sa edad. Pero kung pakiramdam mo ay hindi ito para sa’yo, mas mabuting maging tapat at maayos ang pakikipag-usap kaysa paasahin siya.
DR. LOVE
- Latest