^

Dr. Love

Hinahanap-hanap ang hate na suitor

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Dati, kinaiinisan ko ng sobra ang manliligaw ko. As in, kumukulo ang dugo ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. May hitsura naman siya, nga lang may kayabangan.

Tatlong buwan na siyang nanliligaw. Minsan, nagpadala siya ng imported chocolate candies sa akin na may kasamang love letter. Paborito ko ang chocolates kaya kinain ko pero asar pa rin ako sa kanya.

Isang linggo siyang hindi nagpakita sa akin. Ang weird lang dahil hinahanap-hanap ko siya. Nang umakyat siya ng ligaw, muli ay nag-iba na ang damdamin ko sa kanya. 

Katunayan, humingi pa ako ng tawad sa hindi magandang pagtrato ko sa kanya noon.

Nang malaman ito ng aking mga magulang at kapatid, pati na ang pagpapadala niya ng chocolate candies, sinabihan akong mag-ingat at baka ginagayuma na ako ng suitor ko.

Iyan din ang payo ng aking mga close friends. 

Kasi nga po ay hindi ko maipaliwanag ang bigla-biglang pagbabago ng damdamin ko para sa kanya, mula sa pagkainis na naging pananabik kapag ‘di ko siya nakikita.

Ano dapat kong gawin?

Matet

Dear Matet,

Makailang ulit na akong nakakarinig ng mga kwento tungkol sa gayuma o panggagayuma. Kung totoo man ito, hindi ito mula sa Diyos, kundi mula sa masamang espiritu na maaaring mawala ang bisa sa pamamagitan ng taimtim na panalangin sa isa at tunay na Diyos, sa Pangalan ng Kanyang bugtong na anak na si Jesu Cristo.

Kung may mga kaibigan kang tunay na Kristyano, hingin mo ang kanilang tulong para maipanalangin ka at itaboy ang ano mang masamang puwersang ikinapit sa iyo. 

Kung totoong ginayuma ka, mawawala ang narararamdaman mong pagkahumaling sa manliligaw na dati mong kinaiinisan.

Pero maaari rin naman na sa katagalan ng panliligaw ay natutuhan mo nang mahalin ang iyong ma-sugid na manliligaw at nagkataon lang na ang pagsibol ng iyong damdamin para sa kanya ay sumabay sa pagpapadala niya sa iyo ng chocolate candies.

Basta’t pakasuriin mo muna ang iyong damdamin para sa kanya at hingin ng gabay sa Panginoong Diyos sa iyong pagpapasiya.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with