Kunsintidor na biyenan
Dear Dr. Love,
Sumulat ako sa inyo upang ihinga ang aking problema sa biyenan kong babae na napakakunsintidora sa mga kalokohan ng asawa ko. Nakatira kami sa bahay nila habang wala pa kaming sariling bahay.
Babaero ang mister ko at madalas naming pag-awayan ang bagay na ito.
Ngunit imbes na pangaralan siya ng ina niya ay kinampihan pa.
Kapag umuwi siya ng lasing, ni hindi siya sinasaway ng ina niya, bagay na kinaiinisan ko. Isang gabi na nagtalo kami ay pinagbubuhatan niya ako ng kamay.
Sinampal ako ng matindi.
Sukat ba namang sabihin ng biyenan ko na buti nga sa akin dahil masyado akong selosa.
Ano ang gagawin ko?
Yolly
Dear Yolly,
Kung lumalabis na ang pananakit niya, both emotional and physical, puwede kang mag-file ng annulment kung gugustuhin mo.
Ayaw ko sanang magrekomenda ng pakikipaghiwalay ngunit ang pananakit at emo-tional battery ay puwedeng maglagay sa iyo sa bingit ng kapahamakan.
Nasa sa iyo ang huling pasya.
Dr. Love
- Latest