Naiinggit sa pangit
Dear Dr. Love,
Hindi ko maunawaan ang sarili ko. 20 anyos na ako ay wala pang nanligaw sa akin. Last year, mayroon sana pero binasted ko agad dahil hindi ko type. Kulang kasi sa height.
Maganda naman ako compared sa kaibigan ko na maitim na ang kutis, pandak pa pero guwapo ang jowa. May isang lalaki akong crush pero hindi naman ako pinapansin.
Natuwa naman ako nang minsang lapitan niya ako pero ang itinanong niya ay ipakilala ko siya sa friend kong hindi naman maganda. Sabi ko ay may jowa na ‘yon.
Naiinis na talaga ako. Aaminin ko na naiinggit ako sa kaibigan ko. Ano kaya ang kulang sa akin at ayaw akong ligawan?
Rory
Dear Rory,
Tingin ko, ang kulang sa iyo ay kaganda-hang asal.
Hindi mo man direktang sabihin, inilalarawan mo ang kaibigan mong maraming manliligaw na pangit. Isa pa, tinawag mo ang isang nanligaw sa iyo na kulang sa height.
May pagka-mapanlait ka pa.
Sa totoo lang, hindi lang gandang panlabas ang nakakaakit ng manliligaw kundi pati ang mabuting pag-uugali.
Ang gandang panlabas ay kumukupas pero ang uga-ling mabuti ay hindi mawawala.
Maaaring kulang sa gandang panlabas ang kaibigan mo, pero ang busilak niyang ugali ang dahilan kung bakit ligawin siya.
Magbago ka ng asal at tiyak maraming lalaki ang liligaw sa iyo.
Dr. Love
- Latest