Nabisto
Tawagin mo na lang akong Claro, 24 anyos. May girlfriend ako at 4 years na kami. Pero may nakilala akong girl at niligawan ko. Type ko lang siya at ang girlfriend ko ang talagang mahal ko.
Believe me, first time ko na manligaw sa iba dahil mahal ko ang siyota ko.
Marahil, natukso lang ako sa ganda ng kanyang pinsan.
‘Yun pala, kahit noon ko lang siya nakilala, kilalang kilala na pala niya ako dahil ang girlfriend ko ay pinsang buo niya. Hindi niya agad sinabi ito sa akin.
Inimbitahan niya ako sa bahay niya dahil birthday daw niya. Nagdala pa ako ng regalo. Pero laking gulat ko nang naroon ang pinsan niya na girlfriend ko.
Hindi ko alam kung tatakbo akong palayo o matutunaw sa kinatatayuan ko. Noon din ay nakipag-break siya sa akin. Masakit dahil mahal ko siya at pinag-uusapan na namin ang aming kasal.
Ano ang gagawin ko?
Claro
Dear Claro,
Subukan mong humingi ng tawad sa kanya at sa pinsan niya na binalak mong lokohin.
Kung patatawarin ka niya, eh ‘di good for you. Pero kung hindi, tanggapin mo ito nang maluwag sa puso.
Kasalanan mo iyan kaya face the consequence. Lahat naman ng tao ay nagkakamali at sa tagal ng pinagsamahan ninyo ay baka naman patawarin ka niya.
Magsilbi nawang aral sa iyo iyan at huwag mo nang ulitin.
Dr. Love
- Latest