^

Dr. Love

Magkaiba ng estado

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kinakantiyawan ako ng mga kaibigan pati ng mga kaanak ko dahil nagka-crush ako sa isang abogada na bar topnotcher.

Okay raw sana na ligawan ko siyang kung may pinag-aralan ako.

Kasi, talagang mababa lang ang pinag-aralan ko.

Elementarya lang ang tinapos ko at kung hindi dahil sa kapitbahay naming mekaniko na matiyagang nagturo sa akin sa pagkumpuni mg mga sasakyan, walang kahihinatnan ang buhay ko.

Naglilingkod ako sa shop niya bilang assistant. Pero kung wala siya, ako na mismo ang gumagawa ng mga repair work at marami nang kliyenteng nagtitiwala sa akin.

30 anyos na ako at sa abogadang ito ako nagkagusto.

Una ko siyang nakilala nang magpa-overhaul siya ng kanyang sasakyan.

Nagpahalata na akong may gusto sa kanya pero hindi pa ako magtatapat dahil takot akong masopla.

Dapat ko bang ituloy ang panliligaw?

Narciso

Dear Narciso,

Walang masama kung susubukan mong ligawan siya.

Malayo man ang agwat ng inyong estado sa buhay, kung binata ka at dalaga siya, malaya kang manligaw ngunit syempre, siya ang magdedesisyon kung tyoe ka rin niya o hindi.

Para sa akin, kantiyawan ka man ng mga kaibigan mo ay huwag mo na lang pansinin. Kung magtatagumpay ka sa panliligaw, eh di masaya!

Kung mabigo ka naman, at least sumubok ka.

Dr. Love

NARCISO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with