^

PSN Palaro

Jokic, Westbrook hataw ng triple-double

Pilipino Star Ngayon
Jokic, Westbrook hataw ng triple-double
Russell Westbrook

DENVER — Kumolek­ta si Nikola Jokic ng 35 points, 15 assists at 12 rebounds at tumipa si Russell Westbrook ng 25 points, 11 rebounds at 10 assists sa 124-105 pagrapido ng Nuggets sa Brooklyn Nets.

Ito ang ika-145 career triple-double ni Jokic habang inilista ni Westbrook ang kanyang pang-202 career triple-double para sa Denver (22-15).

Sina Jokic at Westbrook ang unang teammates sa NBA history na nagtala ng triple-doubles sa isang laro ng dalawang beses sa isang season.

Si Westbrook ang may pinakamaraming career NBA triple-doubles kasunod sina NBA legend Oscar Robertson (181) at Jokic.

Umiskor si Keon Johnson ng 22 points kasunod ang 19 markers ni Tyrese Martin sa panig ng Brooklyn (13-25).

Isang 25-9 atake ang ginawa ng Nuggets sa third period para kunin ang 90-68 abante bago nakalapit ang Nets sa 92-97 sa fourth quarter.

Sa Boston, humakot si Domantas Sabonis ng 23 points at career-high 28 rebounds para sa 114-94 pagsapaw ng Sacramento Kings (19-19) sa nagdedepensang Celtics (27-11).

Sa New York, bumira si Shai Gilgeous-Alexander ng 39 points sa loob ng 29 minuto para igiya ang Oklahoma City Thunder (31-6) sa 126-101 pagdaig sa Knicks (25-14).

Sa Orlando, kumolekta si Giannis Antetokounmpo ng 41 points at 14 rebounds sa 109-106 pagtakas ng Milwaukee Bucks (20-16) sa Magic (22-18) bagama’t kumamada ng 34 points ang nagbabalik na si Paolo Banchero.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with