Raptors hiniya ng Bucks sa balwarte
TORONTO — Humakot si Giannis Antetokounmpo ng 11 points, 13 assists at 12 rebounds para sa kanyang ikaapat na triple-double sa season sa 128-104 dominasyon ng Milwaukee Bucks sa Raptors.
Kumamada si Damian Lillard ng 25 points para sa Milwaukee (18-16) na inilaglag ang Toronto (8-28) sa ika-13 kabiguan sa huling 14 laro.
Nagdagdag si Bobby Portis ng 20 points para sa Bucks habang may 17 at 16 markers sina Gary Trent Jr. at Brook Lopez, ayon sa pagkakasunod.
Sa likod nina Antetokounmpo at Lillard ay kinuha ng visiting team ang 66-47 halftime lead, samantalang ang three-point shot ni Lopez ang lalo pang nagbaon sa Raptors sa 113-80 sa fourth period.
Sa Sacramento, iniskor ni DeMar DeRozan ang siyam sa 11 points ng Kings (18-19) sa second overtime sa 123-118 pagtakas sa Miami Heat (17-17).
Sa Minneapolis, humataw si Anthony Edwards ng 37 points sa 108-106 paglusot ng Minnesota Timberwolves (18-17) sa Los Angeles Clippers (20-16).
Sa Philadelphia, kumamada si Bradley Beal ng 25 points sa 109-99 pagsunog ng Phoenix Suns (16-18) sa 76ers (14-20).
Sa New York, nagtala si Tyrese Haliburton ng 23 points at may 20 markers si Bennedict Mathurin sa 113-99 paggupo ng Indiana Pacers (19-18) sa Brooklyn Nets (13-23).
- Latest